{BTS-1: Ready To Get Fooled?}
***
"Haist! Sa wakas natapos na rin tayo sa exams, mauumpisahan na talaga natin yung thesis-slash-film natin." Saad ni Ann habang umiinom ng smoothie niya at nakaupo ng sobrang komportable sa upuan.
"Oo nga eh." Sagot ko naman. Nasa canteen kasi kami at pinag-uusapan yung Thesis namin.
BS Information Technology major in Digital Arts ang course namin and we're working on our Thesis. Gagawa kasi kami ng short film and we have to use 3D Animations and the like.
Nakapagpasa na rin kami nung framework ng gagawin namin. Simula sa script hanggang sa set na pagvi-videohan namin ay na-submit na rin namin.
"Teka, horror na ba talaga?" Tanong nitong si Denise. Matatakutin kasi siya e, pero since lahat kami gusto ay horror, no choice siya kundi pumayag. Wala naman kasi siyang ibang ka-close bukod sa amin eh.
"Napasa na kaya natin kay sir yung buong backbone. Magagalit yun kapag pinalitan pa natin. And worst baka hindi na tayo pagawin pa at ibagsak na lang." Sabi ko. Ako kasi yug tumatayong leader ng group. Ako rin yung sumulat ng story at ako rin ang magdi-direct nung film.
Ako na di ba?
Medyo mahina kasi ako sa editing ng mismong film kaya inako ko na ang responsibility na 'to para makatulong naman ako sa kanila at hindi maging pabigat.
"Sabagay." Sabi ni Denise na parang napipilitan lang naman.
"I have already contacted, Jessie, Ronald and Damon for the film." Theater Guild members sila at friends din namin kaya sila yung gaganap na bida sa kwento namin. Kami naman yung mga extra sa film, hanggang dun lang kaya ng energy namin eh.
"Good. Papuntahin mo na sila dito." Actually, magkakaibigan na sila since high school at dahil same university naman sila, they keep in touch. Ako lang saling pusa sa kanila pero accepted naman ako sa grupo at close na ako sa kanila, share ko lang naman.
Ako nga pala si Monica Agnes. 18 years old.
"Oyy! Guys, andyan na pala kayo.." sambit ni Erika. Bali kaming apat nila Ann, Denise at Erika ang magkakasama sa Thesis na to.
"Hi." Bati ni Ronald habang hawak niya ang kamay ni Jessie.
"Hey guys.. May question lang ako sayo Nika.." Napatingin naman ako kay Damon habang sumisipsip sa Zest-O Mango ko. Si Damon kasi 'yung tipong walang ligoy magsalita. Kung anong pakay niya, sinasabi niya agad kaya sanay na kami sa kanya.
"Nabasa ko kasi yung script. Why would it be the name Meryll?" Nagtaka naman ako sa tanong niya. Napatingin ako sa kanya at napatigil sa pagsipsip. Pati na rin sa reaction nila at the mere mention of the name 'Meryll'. Hindi ko nga gets kung anong problema sa pangalang iyon eh. Ang ganda nga eh. Medyo maamo kasi dating nung name sa akin.
"Bakit? May mali ba sa Meryll?" Takang tanong ko.
Nagkatinginan naman sila sa isa't isa na para bang nag-uusap through body language. Hindi ko sila maintindihan na ewan.
"Ahh. W-wala yun Monica.. Ahh.. Ehh.. G-guys t-tara na.. U-uwi na tayo.." Magsasalita pa sana ako para mag-usisa kaso biglang tumayo na sila at sumabay sa pagyaya ni Ann.
Teka! Ang weird lang. Is there something weird with Meryll? With that name? Parang takot sila na nailang sa name na yun? Is there a skeleton hiding in the closet?
Naba-bother ako. May hindi pa ba ako alam tungkol sa kanila?
I need to find out what's going on and what's bothering them.
***
May mga bagay na hindi mo inaalam pero nalalaman mo. At kapag ito ay nalaman mo, hihilingin mo na lamang na hindi mo nalaman.
Nagmamahal,
WINS
BINABASA MO ANG
Behind The Scene {A Short Thriller Story}
Mystery / Thriller{SHORT THRILLER STORY} There is no secret left unsaid.