{BTS-5: Another Face Of The Coin}
***
MONICA'S POV
Matapos kong makausap si Damon sa labas ay agad akong pumasok sa loob.
"Anong sabi ni tita?"
"Nandun daw si Tito Geoff with Jason.. Tinatanong ako kung p'wede raw akong pumunta doon bukas."
"Ahh." Sagot na lang ni Jessie.
"Ang tagal nila ah."
"Oo nga eh. Ang weird lang ni Denise kanina pa. Tapos si Damon naman parang nagmamadaling lumabas."
"Oo nga eh. Pero mas malala talaga yung parang pagbabago kay Denise. Parang nag-iba talaga siya."
"Kaya nga—"
"Hindi ba nasabi sa inyo na hindi dapat pinag-uusapan ang wala?" Nagulat na lang kami nng biglang magsalita si Denise sa likod namin.
"S-sorry." Nahiya naman ako kasi hindi nga customary yung ganung asal.
"Teka! Papalit muna ako ah." Exhausting kasi yung araw na to kaya napagod ako masyado. Idagdag pa natin yung kung anu-anong gulong nangyayari.
Oo nga pala, bali bukas na yung last scene na isu-shoot namin. Inuna kasi namin i-shoot yung naging multo si Meryll.
Pagkabukas ko ng gamit namin ay napansin ko yung mga gamit ni Erika na parang hindi naman niligpit.
"Wait! Akala ko ba umalis si Erika? Bakit nandito pa yung gamit niya?" Takang tanong ko.
BINABASA MO ANG
Behind The Scene {A Short Thriller Story}
Mystery / Thriller{SHORT THRILLER STORY} There is no secret left unsaid.