{BTS-3: Aparisyon}
***
"Cut!" Pagpuputol ko sa eksena habang nakaupo sa monitor.
Tumigil naman sila sa pagkilos at agad na napatingin sa akin.
"Bakit?" Tanong ni Erika sa akin habang hawak yung isa pang camera para sa boys sa itaas.
"Gumalaw kasi si Jess eh. Nanlaki yung mga mata niya that doesn't supposed to happen. Dapat stern lang Jess. Wag kang gagalaw."
"S-sorry." Nakayuko si Jess at parang nanginginig sa takot.
Hinubad ko naman yung headset at agad na lumapit. "Bakit Jess? May mali ba?" Hinawakan ko siya agad sa balikat niya.
"W-wala. S-siguro pagod lang ako.."
"Okay. As much as I wanted to push through pero sige, pack-up muna tayo.." Agad kong sabi sa kanila.
"S-sorry guys.." Naiiyak na si Jess. "No, Jess it's okay." I give her a reassuring smile.
"S-salamat."
Iniayos ko na rin yung gamit. Bali dito kami natutulog hanggang sa matapos naming i-shoot ang film. Yung mga gamit kasi ay hindi pwede iwan. Mapapamahal pa rin kami lalo kapag pabalik-balik eh.
Nag-ayos naman sila agad. Iniayos namin yung mga gamit namin sa kwarto na pagi-stay-an muna namin sandali.
"Tara guys, panuorin muna natin to para ma-pin point na natin at ma-note yung aalisin sa edit. Kaya pay attention lalo ka na Ann, ikaw pa naman ang editor."
"Sure." Lumapit naman sila habang kumakain kami.
Pinlay ko na yung video at agad naman silang nag-comment.
BINABASA MO ANG
Behind The Scene {A Short Thriller Story}
Mystery / Thriller{SHORT THRILLER STORY} There is no secret left unsaid.