{BTS-4: I'm Done}

495 11 0
                                    

 

{BTS-4: I'm Done}

 

 

***

 

 

"Ang tagal naman ni Erika." Nasambit ko na lang. Simula kasi ng umalis si Erika ay hindi pa siya bumabalik. Nag-aalala na tuloy ako. Pakiramdam ko, na-bwiset ko talaga siya.

 

"Hahanapin ko na siya." Nagulat naman ako ng biglang nagsalita si Denise.

"Samahan na kita." Agad na presinta ni Damon.

 

"Hindi! Ako na lang. May pag-uusapan pa kami." May galit sa tono ni Denise kung kaya't hindi kami agad naka-react sa sinabi niya.

Lumabas na siya ng walang pasabi. Walang bakas ng Denise na matatakutin.

"Okay. Well, Ronald, samahan mo nga ako sa taas. Nalaglag ko kasi bracelet ko eh." Then she winked at him.

Lumabas na sila ng room nang mag-ring na naman yung phone ko. Pagtingin ko, si dad na naman. Baka may bilin na naman.

"Wait guys ah. Si dad lang." Tumango lang si Ann at Damon sa akin.

JESSIE'S POV

 

 

"Yeah! Baby.. ang galing mo talagang humalik.." Haha. Yes. We're doing something naughty.

Ronald and I were kissing breathlessly.

"Dahan-dahan lang babe, baka marinig nila 'to sa baba." Agad kong sambit, masyado kasi siyang harsh eh.

"Haha. Sorry. Na-excite kasi ako sa mga labi mo babe eh. Ang sarap."

We continue kissing each other. Hindi naman ako talaga ganito sa kanya eh. But I have to. That Erika, alam kong there's something going on between them two. But I just remained silent. Mahal na mahal ko lang si Ronald to give him up.

Ipaglalaban ko si Ronald hanggang patayan. Nagawa ko na nga dati eh. Ngayon pa kaya? Pero masama ba kung babakuran ko ang akin? Atsaka, hangga't hindi naman ako tinatalikuran ni Ronald, mananatili akong tahimik pero kapag nag-umpisa ng mangati si Erika.. malalaman niya ang itsura ng impyerno.

Behind The Scene {A Short Thriller Story}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon