{BTS-6: Meryll}

479 10 0
                                    

 

{BTS-6: Meryll}

 

 

***

 

 

"Hindi mo na kailangang malaman pa." Malumanay na sabi sa akin ni Ronald ngunit matalim ang mga tingin.

"Anong hindi? Kailangan kong malaman! Nalilito na ako. Litung-lito na ako." Napaupo na lang ako sa sobrang pagod at pagkalito.

Walang nagsasalita sa kanila.

 

"Alam ko, saling-pusa lang ako sa grupo niyo, pero hindi ba karapatan ko rin namang malaman yun? Buhay ko rin ang nakasalalay dito.." Napaiyak na talaga ako.

"No. Wala ng buhay o kung sino man ang madadamay."

 

 

"Hindi tayo sigurado, Ronald." Agad kong sabi. Ayokong mamatay, lalo na sa isang bagay na wala akong alam.

"Wala na nga sabi eh!" Sigaw nito sa akin.

 

"Wala? Pilit kong iniisip na hindi si Denise iyong gumagawa nito. Yung nagmamanipula sa ating lahat. Pero kung hindi, sino? Nasaan na si Erika? Pati si Damon? Baka iniisa-isa na niya tayo. Ayoko. Ayokong mamatay.."

 

 

"You really wanna know who's Meryll?" Napatingin ako kay Jessie na nakasandal pa rin sa pintuan, napatango ako.

"No, Jessie! Hindi niya malala"

 

 

"She's are friends way back 4 years ago."

 

 

"I said, No!"

 

 

"Ann! Please.." Pagmamakaawa ko. "No, hindi. Hindi malalaman ni Monica. Hindi."

 

 

"Stop your fucking mouth Ann! You selfish bitch!" Sigaw ni Ronald na sa palagay ko ay naintindihan na ang punto ni Jessie kung bakit gusto na niyang sabihin.

"Malalaman din 'to ng iba Ann." Sabi ni Denise na napaupo.

Behind The Scene {A Short Thriller Story}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon