Chapter 21
Areli’s POV
Maaga akong nagising. Dumiretso agad ako sa kusina para uminom ng tubig.
Inabutan ko naman dun si kenichi na busy sa pagbebake.
“mmmm…mukang masarap ah.” Magaling talagang magbake at magluto itong kapatid ko mana kay mommy pero syempre kaya ko rin naman mas magaling nga lang si kenichi.
“gusto mo ate? Meron pa dun sa oven.” Turo nya sa oven habang linalagyan ng icing yung mga cupcakes.
Pumunta naman ako sa oven at binuksan yon.
“careful ate mainit yan.” Psh para namang di ko alam -__-
Kinain ko yung isang cupcake. At yum! Ang sarap. Dabest talaga kapatid ko pwede ng mag hrm sa college.
“ano? Ayos ba?” nakangiting tanong nya sakin.
Tumango tango lang ako.
Kumuha ko ng tubig sa ref at uminom.
“pakilala mo naman ako sa magiging girlfriend mo” pang aasar ko sakanya.
Namula naman ang loko.
“ewan ko sayo ate. Ayan tapos na! ge magbibihis nako. Wag mong gagalawin yan ah.” Tapos nagtatakbo na sya papuntang kwarto.
Tiningnan ko yung mga cupcakes nakalagay sya sa isang color white na box tapos bawat isang cupcake may nakasulat na letter. HAPPY BIRTHDAY SOPHIA <3 at may heart pa talaga. Kaartehan ng kapatid ko.
Dumiretso narin ako sa kwarto para magbihis.
Nakita ko namang nag riring yung phone ko. Sino naman kaya yon?Aga aga.
“hello?”
(areli.)
Si kiel pala. Tss.
“oh anong kailangan mo?”
(kapag tumawag may kailangan agad?psh.)
“oo.” Sarcastic kong sabi.
(be at school @8am.) then he hanged up.
Abat! Napatingin naman ako sa wall clock.
7:30! Leshe 30 minutes nalang.
Dali dali akong pumasok sa banyo at naligo.
Pakshet ka kiel panira ka ng umaga >____<
Kiel’s POV
Nakaupo ako sa school garden ngayon at hinihintay si areli. Antagal naman nung babaeng yun.
Si Candace kase lagi nalang sakin nagpapasama di ko naman matanggihan may pinagsamahan din naman kame kahit papano.
Tumingin ako sa wrist watch ko. 7:45. Okay 15 minutes.
Pinapasok ko sya ng maaga kase…. Ugh wala lang namiss ko lang syang kasama. Tss.
“KIEL!” napalingon naman ako sa tumawag sakin. Kala ko si areli.
Si Candace pala.
“yo.” Bati ko sakanya.
Umupo naman sya sa tabi ko.
“aga mong pumasok? Diba 10 pa class mo?” nakangiti nyang sabi.
“ah hinihintay ko si areli.”
“bakit anong meron?” tss ang daming tanong.
“wala.” Tipid kong sagot.
“samahan mo naman ako sa caf di pa ko nagbebreakfast e.”
BINABASA MO ANG
sheet of paper (edit)
Teen Fictionthere are actually small things that brings you into a bigger world