chapter 22

54 2 0
                                    

Updated 7 chapters! Pambawi yan at regalo ko narin sa inyo last Christmas and new year :D sorry sa matagal na paghihintay kung may naghihintay man. Mehe~ sarangheo :****

Si kiel,areli,drew, and ice sa gilid. Merry Christmas daw! Sorry wala akong mahanap sa ibang characters :3

-jill<3

Chapter 22

Umalis ako sa garden na tulala.

Hindi parin mag sink in sa utak ko ang lahat ng sinabi ni Candace saken kanina.

Ganon ba sya ka desperada na maging sila ulit ni kiel?

Na kailangan pa nya yung tulong ko para lang magkabalikan sila?

Pwede naman nyang gawin yon ng di ko linalayuan si kiel.

Pero pano nga naman sila magkakausap ng mabuti?

Argh! Ayoko munang mag isip ngayon.

Gulong gulo na ang utak ko.

Tapos magkaaway pa kame ngayon ni kiel.

Bigla tuloy akong nakonsensya.

Im so stupid.

Bumalik nako ng room. Umupo ako sa seat ko, yung katabi ko naman tahimik lang.

Di ba nga kase sabi ko layuan muna nya ko kahit ngayong araw lang?! tss.

Biglang nagflashback sakin yung mga pangungulit at pang aasar nya.

Oo nakakainis sya, moody at mapang trip. Siguro mamimiss kong lahat yun kapag linayuan ko na sya. May part saken na nalulungkot sa gagawin kong desisyon.

Mahirap pala kapag sobrang naattached ka na sa isang tao. Parang ayaw mo na siyang mawala sayo. Alam kong di ko sya pag mamay ari and never yung mangyayari. Pero pwede rin namang ipagdamot ang kaibigan diba?

Nagbalik ako sa realidad ng tinawag ako ni ma’am rivera.

“ms. Samson are you with us? Kanina ka pa tulala?” tanong nya sakin.

“siguro po nahihilo parin po sya kakagaling nya lang po kasi sa clinic kanina.”

Si kiel.

Eto yung gusto ko sakanyang ugali lagi nalang nya kong pinagtatanggol.

Naalala ko pa nung inaway ako ng mga pantene girls.

“ganun ba? Okay you can sleep in my class if you want.” Sabi naman ni ma’am rivera.

Napatingin naman ako sakanya. Payak syang ngumiti sa akin at tumingin na ulit sa prof.

Bakit ngayon palang feeling ko mamimiss ko na sya?

Kaya ko ba talaga?

Ice POV

Andito kame sa garden 2 days had passed nagkabati na pala si areli at kiel. Di ko nga alam kung bakit sila nag away. But good to know na okay na ulit sila J

Kame ni drew? Di ko parin sya nakakausap after nung last meet up namin sa tapat ng room.

Hindi ko rin naman sya nakikita. Namimiss ko na yung lokong yun.

Napatingin ako sa cellphone ko.

Nagbuklat ako sa contacts at nakita ko ang number ni drew.

Itext ko kaya? Tawagan? Nuh itext nalang siguro.

To: drew

Hey can we talk? Sorry about last time. 6pm @clarkson subdivision park. Ill wait for you.

sheet of paper (edit)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon