chapter 25

55 2 0
                                    

Chapter 25

Nauna na silang umuwi. Nag insist si saph na ihatid ako ni axel pero sabi ko magpapasundo nalang ako kay manong roy. The truth is di talaga ko nag pasundo. Kaya ko namang mag commute pauwi.

Napatingin ako sa wrist watch ko. 12:35 na pero wala pa kong balak umuwi.

Naglakad lakad lang ako papunta sa park na pinupuntahan namin ni kiel dati.

Medyo nahihilo narin ako dahil sa ininom ko kanina.

Naupo ako sa isa sa mga bench.

Antahimik. Syempre sino ba naman kasing baliw ang pupunta sa park ng madaling araw?

Haaaay. Napabuntung hininga nalang ako. Andaming pumapasok sa utak ko.

Gulong gulo na ko.

Napaiyak nalang ako. Nasasaktan ako. Gusto ko na ba sya? Hinde….hindi pwede.

Bigla nalang bumuhos ang malakas na ulan.

Pati panahon nakikiramay sakin.

Kiel’s POV

Hinatid ko na si Candace pauwi. Napailing nalang ako nung Makita ko syang umiyak kanina.

Tss. Alam kong galit ang barkada sakanya. Pero ayoko syang nakitang nasasaktan. Naging parte narin naman sya ng buhay ko.

Nagdrive nako pauwi ng mapadaan ako sa park. Ang lakas ng ulan.

Nagulat ako ng may Makita akong babae na nakaupo sa isang bench.

Si areli bay un? Takte anung ginagawa nya ditto? Madaling araw na ah!

Dalidali akong bumaba para puntahan sya. Kinuha ko yung payong sa loob.

Sh*t ang lakas ng ulan. Nababaliw na ba sya?

“areli.” Napatingin naman sya sakin.

“k-kiel?” hinawakan ko na ang kamay nya at inakay papuntang kotse.

“sht areli ano bang ginagawa mo sa park ng ganitong oras? Pano nalang kung di kita nakita? Umuulan pa naman.” Sabi ko sakanya. Teka umiiyak ba sya? Baka tubig lang yun. Basang basa sya e.

Nag drive nako para ihatid sya sa kanila. Napakalakas ng ulan.

Napatingin ako sa kanya. Nakatulog na sya. Yakap yakap nya ang sarili at nanginginig. Tss. Hinawakan ko ang noo nya. HOLY SHT. Ang taas ng lagnat nya. Takte anong gagawin ko?

Nag u turn nako at mabilis na nag drive papunta sa condo ko. May condo ko malapit sa bar nila axel e. which is minsan ko lang gamitin. Regalo lang ni dad nung graduation ko nung highschool. No choice nako eto na yung pinakamalapit. Malayo pa ang ospital.

Agad ko syang binuhat papunta sa unit ko.

Kinuha ko yung card sa wallet ko at saka swinipe sa may pintuan. Agad agad ko tong nilock saka sya inihiga sa sofa.

Ano ng gagawin ko? Pota basa nga pala sya. Pano ko papalitan damit nya? Anak ng. dali dali akong bumaba sa reception para humingi ng tulong sa isa sakanila.

“miss can you please come with me on my unit?” halata namang nagulat yung receptionist. Takte ano ba kaseng sinabi ko.

“you have to dressed my friend. Nabasa sya ng ulan at linalagnat sya. Please.” Paliwanag ko.

“a-ah okay sir.” Gulat parin ang muka nya sa paliwanag ko. The eff I don’t care!

Pumasok na kame sa unit ko.

“s-sir yung damit po?” oo nga pala!

“can you lend her some underwares? I have my shirt and shorts.” Sabi ko habang nakatingin kay areli. Langya di nako mapakali ditto.

sheet of paper (edit)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon