Chapter 14~ ''Drive me home''

59 1 0
                                    

Chapter 14

Louie's POV

Bumalik na ako sa kwarto para mag empake dahil pauwi na kami.

Wala eh. Sobrang na bad mood na ako kanina.

Effective talaga yung Kyle na yun sa paninira ng araw ko.

Ako lang ang nandito. Kasama siguro ni Shan si Joey.

Napahiga ako sa kama habang iniisip ang mga nangyari nitong mga nakaraang araw.

I hope na manalo kami sa contest dahil gusto ko talaga ng bakasyon.

Sa kaiisip ko di ko namalayan na natulog na pala ako.

''Hey Bes. Gising na. Aalis na tayo. May pasok pa tayo bukas'' naramdaman kong niyuyugyug ako ni Joey.

*Yawn* ''Hmmmm. Sige susunod na ako sa lobby''

''Sige bes. Baba na ako'' matamlay nyang sagot.

Hmmm. ano kayang problema non?

Mamaya ko nalang tatanungin.

Nagayos na ako ng konti bago ako bumaba.

Naabutan kong nagaasaran na naman yung dalawa tapos si Kyle. No where in sight.

''Bes sakanila tayo sasabay kinuha kasi ni Daddy yung kotse ko eh''

''Ahh. ganun ba? Shan sa iyo na ako sasabay'' sabi ko sabay hila ng maleta ko papunta sa kotse ni Shan.

''Ah-eh ano kasi... Hindi pwede saamin kasi kasabay ko na si Joey Oo tama si Joey'' at hinila nya si Joey na walang kamalay malay sa mga pangyayari.

Binuhat nya yung gamit ni Bes at inilagay sa compartment.

''Ano?! Ayoko nga! Kay Kuya Kyle ako sasaba----'' di na nya natapos ang sinasabi nya dahil isinakay na sya ni Shan sa shotgun seat at isinarado ang pinto.

Yep. Kuya ang tawag nya kay Kyle dahil business partners ang parents nila kaya medyo close din sila.

''Kay Kyle ka nalang sumabay. Byeeeee!'' at pinaharurot nya na ang kanyang yellow ferrari.

''Akin na yan.'' naramdaman kong may kumuha ng maleta ko.

Wow. May bahid din pala to ng pagkagentleman.

''Hoy babae! Ano pang tinatanga tanga mo dyan! Sakay na''

Ok. Kalimutan nyo na yung part na sinabi ko na gentle man sya! -__-

Bubuksan ko na sana yung pinto kaso bigla ba namang pinaandar yung kotse! -____-'''''''

Mini heart attack pre.

Pagpasok ko sa kotse nya tawa sya ng tawa.

Napa face palm ako. ''Anong nakakatawa ha?!''

''HHAHAHAHHAHAHAH. HAHHAHAHAH. Eh kas--- HAHAHHAH Kasi HAHAHAHAHHA''

''O sige tapusin mo na muna yang tawa mo''

Matapos ang ilang minuto tumigil na sya kakatawa.

''Epic face mo kasi. pffffft. '' Tae nagpipigil pa din ng tawa.

''Ano ba! Mag drive kana nga! May pasok pa tayo bukas!''

Bigla ba namang pinaandar ng napakabilis yung kotse!

''SLOOOOOOOWWW DOWNNNNN'' Napatili ako dahil biglang nag drift.

Nagtaas taas lang ang kilay nya.

THIS GUY!

Tumigil na kami sa tapat ng bahay namin.

''Salamat.'' pabalibag kong sinara yung pinto at kinuha ang gamit ko sa compartment.

Papasok na sana ako sa sa bahay ng may humila sa kamay ko.

''Sorry kanina.'' at tumakbo na sya papunta sa kotse at nagmaneho na.

o________o

Parang hindi si Kyle yun ah!

Sinapian yata!

The Player and ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon