Chapter 32~" Masquerade Ball" Part 1

17 0 0
                                    

Third Person's POV

HINDI magkamayaw ang mga tao na palakad lakad sa Fontanilla Pavillion. Tila naghahanapan ng mga kaibigan sa dami ng tao na nandoon.

Lahat ay nakamaskara at suot ang kanikanilang magagarang gown at three-piece suit naman para sa mga lalaki.

Iba't ibang sosyal na sasakyan din ang pumaparada sa tapat ng Pavillion at nagbababa ng mga estudyante.

Nasa assigned rooms na ang lahat SC officers para maayos na ang mga estudyanteng nagkakagulo.

"Pre bakit wala ka pa sa room C? Ikaw na lang wala dun" sabi ni Kyle sa kaibigan nyang si Shan na kasalukuyang parang may hinahanap.

"May hinahanap pa ako eh. Sige na mauna ka na don. Saka isuot mo na yang mask mo baka may makakita pa sayo eh."

"Sige pre. Mangchi-chicks muna ako." kumindat muna ito atsaka sinuot ang maskara nya na hanggang kalahati lang ng mukha tulad ng sa iba at saka lumakad paalis.

Habang naglalakad si Kyle patungo sa Room C kung saan nandon lahat ng lalaki na kaklase nya ay hindi nya mapigilan na mapansin ang isang babae na kabababa pa lang sa sasakyan.

Para bang awtomatikong napalingon sya dito. Suot nito ang mask niya na punong gold glitters at gold feathers sa tabi na tumutugma sa suot nito na white with gold long gown.

New Target! sabi ni Kyle sa isip nya at saka inayos ang suit nito. Mukhang may bago nanaman syang paiibigin bago matapos ang gabing ito.

Iniwas nya ang tingin nya dito at dumeretso na sya sa Room C habang iniisip ang gagawin nya mamaya dun sa babaeng nakita nya.

Kilala si Kyle Vallentura bilang silent playboy, hindi sya basta basta pumapatol sa mga babae na lumalapit at lumalandi sakanya hindi katulad ni Shan Trinidad.

Pinapagaralan nya muna ang mga babae na target nya bago nya paibigin. At tulad ng ibang playboy pag ayaw na nya, iiwanan nalang nya.

SAMANTALANG tingin pa din ng tingin si Shan sa relo nya at hinihintay ang Vice President na pinaghihinalaan nyang kasabay ng Peace Officer nila.

Kung tutuusin maaga pa naman at may 30 minutes pa halos bago magsimula ang Ball.

Pero kung makapagreact itong si Shan akala mo patapos na ang Masquerade ball at hindi pa din dumadating yung dalawa.

Sa katitingin nya nakita nya ang isang pamilyar na kotse. Sobrang pamilyar dahil pagmamayari ito ng pamilya nila.

Bumaba ang lalaki sa sasakyan at pinagbuksan ang babae na nasa shotgun seat.

Hinagis ng lalaki ang susi sa isang staff at isinukbit ang kamay ng babae sa braso nya.

Kilalang kilala nya ang dalawang ito.

Si Joey Dela Cruz at Gaelvin Perez, wala silang suot na mask kaya nakilala nya agad ang mga ito.

Bagay talaga sila.

At nasasaktan sya tuwing iisipin nya yon.

| END OF CHAPTER |

Hi :) Happy 1k guys! :*

I'm here to promote another story, "Hi There, My Romeo!"

Thank you. :) :*

XOXO,

Author J.

The Player and ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon