Chapter 24
''Hoy Girl! Yung totoo? nakikinig ka ba sakin ha?'' winagayway ni Joey ang kamay nya sa harapan ng mukha ko.
''Ha? Ano ba yun? May iniisip lang ako.'' kanina pa ako spaced out. Bagsak nga ako sa recitation kanina eh di kasi ako nakasagot dahil iniisip ko yung kanina.
''Hmp. Minsan na nga nalang tayo mag hang out, wala ka pa yung presence mo. Nakakatampo ka po'' humigop sya sa fruit shake nya at umakto na parang nagtatampo.
Nandito kami sa Roland's. Actually, bar sya pero di naman yung tipo na ang wa wild ng mga tao. Ayos lang naman sya.
Niyaya ako ni Joey para daw makapag bonding kami kasi nga busy na sila sa mga susunod na araw kasu may gaganapin ata na Masquerade party. Ang daming pakulo ng school namin. Hahahha.
''Sorry naman best. Hahah. Sama ka nalang samin sa next Weekend out of town daw sabi ni Lola. Invite ko daw kayo''
''Talaga?!! Yesss! Finally. Stress Reliever.''
''Sama mo si Gaelvin. haha. Ayieeeee!'' pang aasar ko sakanya. Yep. Alam ko ang tungkol sakanila. Para saan pa ang label na mag bestfriend kung hindi naman gagawing totoo.
''Haaay nako best. Tigilan mo na nga ako! Hahaha. Teka, bakit ka nga pala spaced out? ha?''
Then yun nga kinuwento ko sakanya yung sa date thingy at yung pagiging mabait sakin ni Kyle this past few days. Tulad ng pagbubuhat ng bag ko pag uuwi na kami, pagkausap sakin ng matino at pagluluto ng masasarap na pagkain!!!! Not the Kyle I used to know.
''WHAT? OMG best! Prince charming lang ang peg ni Kuya Kyle!''
''Hmmm. Ewan ko ba dun bigla biglaang nagbago parang sinapian ata. Grabe ang weird lang.''
''Wow. Himala ba yon? Ngayon nya lang ulit ginawa yun pagkatapos ng nangyari sa kanila ni Cerene. Tss. Di kaya nak drugs si Kuya? Hahhaha'' Cerene?
''Sino yung Cerene?'' tanong ko kay Joey at nabigla naman sya ng marealize nya ang mga sinabi nya.
''Ooooopss. Bakit ko nasabi yun? Tanga ko talaga. Ugh. Si Kuya nalang ang tanungin mo dyan ayokong mainvolve dyan eh.''
~
3 days.
Tatlong araw mula nung nabanggit ni Joey yung Cerene.
Nacucurious talaga ako don eh! Sino ba yun?!
''Akin na yan baka nabibigatan ka na'' Bago pa ako maka sagot ay kinuha na nya yung bag ko.
''Thanks Kyle.''
Nang nasa kotse na kami humanap ako ng tiyempo para mag tanong.
Wala namang masama pag nagtanong db? Saka sabi naman ni Best kay Kyle na ako magtanong.
''Kyle. Ummmm. Sino yung Cerene?''
* SCCCCRRRREEEEEECCCCHHH*
Ah shet. grabe tatalsik ata ako sa lakas ng preno. Damn.
''San mo napulot yan?'' tumingin sya sakin tapos nag serious look ulit.
''Hmm. Kay Joey.''
''Tssss. That girl.''
Tahimik kaming naka uwi.
So wala syang balak sagutin yung tanong ko?
Dito padin naman sya nakatira kaya baka sa ibang araw ko nalang itatanong.
Papasok na san ako ng kwarto pero bigla syang nag salita.
''Cerene, she is my ex and i still love her'' binagsak nya na ang pinto ng kwarto nya.
I was left dumbfounded.
~~~~~~\
。☆ 。。☆ 。
★。\|/。★
Merry Christmas!
★ 。/|\ 。★
。☆ 。。☆ 。
MERRY CHRISTMAS MGA PLAYERS!!! NAG UPDATE AKO PARA SAINYO! INGAT KAYONG LAHAT AT KEEP READING AND SUPPORTING TPAI! :* :))
Follow me on:
Instagram: joiesanity1830
Twitter: @imjoiemartinez

BINABASA MO ANG
The Player and I
Teen FictionTwo different attidudes. Two different personalities. Can love change their destiny? Can love bind two opposite people?