Chapter 15~ ''Bakit ko nasabi yun!''

60 1 0
                                    

Chapter 15

Shan's POV

She was crying.

''Anong nangyari sayo ha? May umaway ba sayo? Nang asar?'' Itinatago ko ang concern look ko dahil baka isipin nito na O.A ko.

Itinulak lang nya ako at tumakbo sa loob ng hotel.

Napatingin ako sa ibaba.

Pinulot ko yung papel at binuksan.

Wedding Invitation?

Von Lester Trinidad & Vangeline May Filomena

May kinalaman ba sila sa pag iyak ni Joey?

Importante ba sila sakanya?

~

''Ah-eh ano kasi... Hindi pwede saamin kasi kasabay ko na si Joey Oo tama si Joey'' at hinila ko na ang walang kamalay malay na babaeng ito.

Kanina pa ito tahimik at kung makikipagasaran man sya nagpapatalo din.

May pinagdadaanan nga ito!

Ayokong isabay si Lou dahil dun nalang sya kay Kyle! Hahahahha. >:)

Pag tong plano ko nag succeed manlilibre talaga ako!

''Ano?! Ayoko nga! Kay Kuya Kyle ako sasaba----'' ipinasok ko na sya sa kotse ko sabay sara ng pinto.

Umikot na ako papunta sa drivers seat.

''Ikaw ha! Nakakahalata na ko sayo ha! Lagi mo nalang akong kinikidnap.'' sumbat nya saakin pag ka pasok ko.

''Ano?! Ikaw kikidnapin ko? Sino bang magkakainteres sayo''

Narinig kong napabuntong hininga sya.

Mga 5 minutes ata kami walang imik.

Kinuha ko sa bulsa ko yung invitation.

''I believe this is yours'' at iniabot sakanya.

Nakita kong nagulat sya at agad na hinablot yung invitation.

''Bakit na sa yo to?''

''Napulot ko nung nagkabanggaan tayo sa beach'' di ko sya tinitignan at patuloy na nag drive.

''Ahh'' simple nyang sagot.

''Von Lester, Vangeline? Sino yun?'' nilingon ko sya at nakitang nakatungo lang.

''Huy. Sagutin mo naman ako''

Sinimulan nyang magkwento

''Si Lester ang una kong nakilala naging sobrang close kami bestfriend na nga ang turing ko sakanya.'' napangiti pa sya habang nagkekwento. ''Isang araw may lumipat sa kapitbahay namin, si Vangeline. Naging kasama na rin namin sya ni Lester. Pero habang lumalaki kami, napapansin ko ang pagiging close nila ni Geline nagiging third wheel na nga lang ako tuwing magkakasama kami.'' naging mapakla ang mga ngiti nya.

''Di ko namalayan na unti unti napalang nahuhulog ang loob ko sakanya. Isang gabi pinaghanda ako ni Lester sabi nya may pupuntahan kami. Sobrang saya ko nun kasi akala ko may aaminin sakin si Lester na mahal nya din ako tulad ng nararamdaman ko para sa kanya. Assuming noh? hahha. pero ang laking katangahan ko talaga. Nag expect ako na same kami ng feelings. pero that night niyaya nya pala ako para maging witness sa pagaaya nya kay Geline para maging girlfriend hahha. Tanga lang noh?'' tinignan nya ako.

Para ma lighten up ang mood nag joke ako.

''Oo ang tanga talaga. ikaw kasi assuming ka eh. hahahh. Wala nang magkakagusto sayo noh. Hahah. Kumpara ba naman kay geline. hahh''

Narinig kong napahikbi sya.

Napasobra ata yung sinabi ko.

''Huy. Joke lang yun noh''

''Galing mo din magjoke ano?'' inis nyang sabi saakin.

Hindi na ako nagsalita.

Kahit kelan ka talaga Shan! Tanga mo!

Wala ng nagsalita saamin.

Hanggang nakarating na kami sa bahay nya.

Agad syang bumaba sa kotse at binuksan ang compartment.

''Ako na'' kinuha ko na sakanya yung maleta at di naman sya umangal.

Binaba ko na yung gamit nya sa tapat ng gate.

''Joey sorry sa nasabi ko kanina. alam mo namang nagbibiro lang a----''

*BLAAAAAG*

Sinarado nya ang pinto sa harap ko buti di ako tinamaan. Tsk.

Ewan ka talaga Shan!!!!

Nagiguilty talaga ako!

Bakit ko ba kasi nasabi yon!

The Player and ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon