Dahil nga po gusto kong bumawi sa inyo, dalawang chapter ang gagawin ko po :))) parteeeh!!!
Yun lang po. Enjoy! :*
~Author J.
Chapter 17
Joey's POV
''Excuse daw po kay Ms. Dela Cruz pinapatawag po ni Mrs. Gernon''
Napaangat naman ang ulo ko at sinenyasan ako ni Maam na lumabas na daw ako.
Di ko nga pala nabanggit na ako nga pala ang President ng klase namin at ako din ang Vice president ng Student Council. at sobra siyang nakaka depress dahil ang daming kailangang tapusin ON TIME.
Idagdag mo pa ang mga estudyanteng sobrang hirap pagsabihan at hindi mapatahimik sa isang lugar.
Kumatok ako sa pinto ng office ni Mrs. Gernon.
''Pasok'' narinig kong sabi niya at pumasok na ako sa loob. Disenteng umupo at bumati ng Good morning.
''Dahil kayo ni Mr. Trinidad ang nasa pinaka mataas na pwesto sa Student Council sainyo ko inaatas ang pagchecheck ng venue ng school para sa isasagawang program, isang masquerade ball para naman ma welcome ang mga freshmen'' at nakalimutan ko din sabihin na yung Shan na iyon ang President ng SC.
''Saan nyo po ba balak ganapin ito?'' pormal kong tanong.
Saglit na nagisip si Mrs. Gernon. ''Maganda siguro kung sa Fontanilla Pavillion, tutal kaklase mo naman si Ms. Fontanilla ay maki cooperate ka tungkol dito''
Fontanilla Pavillion, world class and enchanting place. Only important people are allowed to enter the place.
Siguradong afford na afford na ito ng school namin, karamihan ng estudyante ay anak ng mga kilalang tao.
''Ok Mrs. Gernon. You can count on us.''
''Sige. By tomorrow ko kayo ipapadala doon at ng maayos nyo ang mga reservations at lahat ng kailangan. You can now go back to your class.'' tugon nito at nagpaalam nadin ako.
~
After class diretso ako sa office ng SC.
May meeting kami tungkol sa Masquerade.
Dahan dahan kong binuksan ang pinto at pumasok.
Naptigil ang mga members sa ginagaw nila at bumati saakin.
''Oh Ms. Vice. Nadito ka na pala. Late ka na ng 3 minutes and 41 seconds'' saad nya habang nakatingin sa kanyang relo.
''Shut up Mr. Pres. I dont have time for your stupid and childish acts'' sabi ko habang nakatingin ng seryoso sa mga mata nya.
''Watch your words. Ako pa din ang predident and you should give some respect.'' puno ng awtoridad nyang sabi.
This guy. Ginagamit lang nya ang pwesto nya para kontrolin ang mga tao.
''And as a STUDENT i should express my opinions and thoughts'' tumalikod nako at nagpunta sa table kung saan nagmimeeting.
ever since, that night na kung saan nilait nya ako at ikinumpara sa isang taong kinaiingitan ko ng lubos ay hindi na ako nakikipagbiruan sakanya.
Below the belt na kaya iyon!
Pinagusapan namin ang sequencing ng activities para sa ball, at yung mga rules na dapat sundin.
Naka assign ang bawat member ng SC upang maging maayos.
Na-assign ako sa Room A kung saan nandoon si Best friend Lou at nandun din ang my oh so ever enemy na si Xabrine Defer anak ng may ari ng Defer Residence na isa sa mahigpit na kalaban ng pamilya namin.
Inayos ko na ang mga gamit ko at inayos din ang mga papeles na nasa office ko.
''Bye Ms. Vice una na po kami''
''Good bye po Ate Joey!''
''Ingat sa pag uwi Ms. Vice.''
Ngiti lang ang aking isinukli sa mga pauwi na na members.
Pagkalabas ko wala ng tao at mukhang walng tigil din ang pagbuhos ng ulan.
Naramdaman kong may nag payong saakin.
Si Gaelvin.
''Ms. Vice wala ka bang kasama?'' masaya nyang tanong sa akin.
''Wala naman. Malakas lang talaga yung ulan kaya di ako makauwi.''
''Halika na ihahatid na kita sainyo.'' ang cute talaga nya, crush material pwede na.
Kinuha nya ang aking mga libro at inakay ako palakad sa ulan.
pero sa gilid ng mga mata ko nakita ko ang pigura ng isang lalaki na may hawak na payong.
Serious face and deadly stares.
It was him.
Si Shan.

BINABASA MO ANG
The Player and I
Genç KurguTwo different attidudes. Two different personalities. Can love change their destiny? Can love bind two opposite people?