Chapter 2

83 2 1
                                    

"WILL YOU MARRY ME?" natigil ang paghakbang ni Trina nang marinig ang boses na iyon.



Agad niyang hinanap si Bryce. Is he asking her to marry him right now? Pero para siyang napako sa kinatatayuan nang makita ito sa may stage, nakaluhod sa harap ni Yanie na naiiyak habang tumatango.



Palihim niyang kinurot ang sarili. Is she dreaming? Pero nang matiyak na hindi siya nananaginip ay hindi na niya napigil ang pagtulo ng kanyang luha. Bago pa man niya ipahiya ang sarili at magmukhang tanga dahil siya lang yata ang hindi natuwa sa naganap na proposal at mabilis na siyang tumalikod at lumabas sa bahay ni Bryce.



Kailan pa naging sila? Kailan pa siya nito naloloko? May balak ba itong gawin siyang kabit?



She was walking silently while crying. Ito ba ang dahilan kung bakit tila nanlamig na ito sa kanya? Akala niya nagtatampo lang ito dahil hindi niya napagbibigyan kapag gusto nitong may mangyari sa kanila. Iyon pala ay may iba na pala itong mahal.



May mali ba sa kanya? Bryce is her first boyfriend. Naniwala siya na ito na ang makakatuluyan niya habang buhay. Ginawa niya naman ang alam niyang makakabuti para maging okay ang relasyon nila. Maliban na lang siguro ang hindi pagbibigay ng sarili dito.



They were okay. Or she thought so? Wala naman itong sinabi sa kanya na gusto na nitong makipaghiwalay.



Magkababata sina Bryce at Yanie. They were really close. Kaya naman palagi ay hindi maiwasang magselos kapag magkasama ang dalawa. But everytime Bryce hold her hand and smile lovingly, nawawala ang selos niya.



She trusted him. She believed he loves her that much. But she realized she's wrong.



Hinagilap niya ang kanyang cellphone sa kanyang blazer. She dialed Tatay's number. Nakatatlong ring ito bago ito sumagot.



"Tay, nakauwi ka na po ba?" she asked.



"Balintawak pa lang ako anak. Bakit may problema ba?" mababakas ang pag-aalala sa boses nito.



"Pwede po pasundo po ako? Text ko na lang po kung saan."



"Sige anak, mag-iingat ka."



Pinara niya ang nakita niyang taxi at nagpahatid sa pinakamalapit na Bar. She texted the address to Tatay Dodong bago pa man siya pumasok.



She needed a drink. No. She needed a lot of drink. Total naman darating ang sundo kaya okay lang na magpakalasing siya. Kahit ngayon lang, gusto lang niyang makalimot kahit sandali.




LIHIM NA PINAGMAMASDAN ni Avry ang babae habang umiinom. He controlled himself not to approach her at the moment. Hindi niya ito kilala pero pakiramdam niya ay malalim ang ugnayan nito kina Bryce at Yanie.



He saw how she frozed when Bryce proposed to Yanie. Nakita niya ang pagkagulat sa magandang mukha nito. Nakita din niya ang sakit sa mga mata habang umiiyak. He wanted to ask her right there and then but he thinks it's not the right time because he knows she needed to be alone to compose herself.



Kanina pa niya sinusundan mula sa bahay ni Bryce hanggang dito sa Bar. Napansin din niya na karamihan sa mga lalaki sa loob ng bar ay nakatingin dito na punung-puno ng pagnanasa. He can't blame them. Dahil maging siya ay hindi maiwasang maakit dito.



Napatayo siya nang makita niyang nilapitan ito ng isang lalaki. Napansin na medyo na medyo lasing na ang babae. Nagtaka siya sa sarili dahil nakaramdam siya ng pag-aalala para dito.



Medyo malayo ang kinatatayuan niya sa babae kaya naman hindi niya narinig ang sinabi nito sa lalaking napapakamot ng ulong lumayo dito. Ganun din ang nangyari sa pangalawang lumapit dito, bakas ang paghanga sa mukha nito pero hindi rin nito naitago ang pagkadismaya nang may sinabi dito ang babae.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 22, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

TRAPPEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon