Hi"! May gusto lang akong ikwento sa hangin.
Minsan ba sa buhay mo, natanong mo ang mga bagay nato.
Pano kung isang araw dumating yung taong pinakahihintay mo ng pagkatagal-tagal sa buong buhay mo? Yung makakasama mo sya, mahahawakan ang kanyang mga kamay, makakausap mo ng harapan. At masasabe mo sa kanya na "Mahal kita".
Ang sarap isipin diba?
Minsan ba, natanong mo sa sarili mo na... Pano kung dumating ka sa buhay ko ng hindi sinasadya ng tadhana. Ang sarap sanang mag mahal, kapag may pinanghahawakan kang alam na alam mong totoo at ikasasaya mo ng lubusan.
Mga bagay na masasabi mong.. "Yes! Ito na ba? Ito na ba yung tinatawag nilang "Love"?. Mga tanong sa aking isipan na hindi ko mabura sa tuwing wala akong ibang iniisip kundi ang Mag mahal ng tama.. Minsan ba, natanong mo sa buhay mo na... Dapat paba akong maniwala sa mga sabi sabi ng iba na "Maghintay ka lang, May dadating na tamang tao para sayo sa Tamang Panahon.Tamang Panahon? Parang ang Pait nmn ng panahon saken. Hahaha!. Minsan nasasabi ko na lang sa sarili ko. "Tama na" sinasaktan mo lng sarili mo... Minsan pag higa ko sa kama, sa pag sandal ng aking ulo sa aking malambot na unan.
Naririnig ko ang pag tibok ng aking "Puso" habang pumapatak ang aking luha sa aking mga mata, na ang sabi... " Tama na.. Maawa ka nmn sakin oh. Sobrang sakit na. Pagod nako... Minsan diko maisip na Sumuko, hindi ko naisip na. Ayoko na."Suko na Ako" mga salitang Hindi ko mabitawan sa tuwing naiisip kita. Mga salitang hindi ko mabigkas ang bawat letra sa tuwing hinahanap kita.
Mga katanungan sa Aking isipan sa Buong buhay ko. Na tanging "Puso ko na lamang ang Tanging Sumasalo sa bawat sakit at sa Bawat mahahalagang Salita ng aking mga katanungan.