Hi! Mayroon lang akong gustong ikwento sa hangin...
Minsan ba sumagi sa isip mo na kung ano ang yong Pangarap na Relasyon?...
Pangarap na Relasyon?
Para sakin ito ay binubuo ng dalawang taong nagmamahalan, magka ugnay ang puso ng bawat isa. Tila ba magka dugtong ang bawat ugat nito, at ang dugo'ng nananalaytay na dumadaloy sa bawat isa.
Simple lang akong tao na nangangarap magkaroon ng isang Relasyon. Hindi man perpekto basta masaya kaming dalawang magkasama. Tila ba wala ng bukas ang aming pagsasama, sa simpleng sulyap ng aming mga mata sa isat isay di nawawari kung san ba ito pupunta.Isa lang ang hiling ko sa kanya, ang mahalin ako ng tapat at totoo. At sinusumpa ko sa kanya na mamahalin ko siya ng buo at tapat hanggang sa huli, o baka naman hangang salita lang ang lahat ng ito. Na sa isang ihip ng malakas ng hangin, at malakas ng pagbagsak ng ulan ay biglang maglalaho ang aming mga pangarap sa isat isa.
Na sabay namin binuo at pinangarap na makasama habang buhay ang isat isa... hindi sapat ang text, tawag, chat, videocall pra lang maiparating na mahal namin ang isat isa.
Hindi matutumbasan ng mga mamahaling materyal na bagay ang salitang mahal kita! At ang halaga ng pera lahat yan initsapwera ko. Dahil hindi nmn mahahalagahan ng mga materyal ang ikay maksama ko.Ang maaamo mong mukha at ang iyong magandang pangalan ay naka ukit na sa pusot isipan ko na kailanmay hindi na mabubura pa o maglalaho. At ang mga kamay mo na mala porselanas ang ninanais kong humagod sa tuwing ako'y pagod, pagod sapagkat pilit kong hinahanap kung san man tayo pupunta. Kung san ba tutungo ang ating relasyon na walang kasiguradohan kung tayo pa ba hanggang sa huli.
Sa ngayon. Ang pinanghahawakan ko lamang ay ang salitang "PANGARAP" dahil ikaw yung pinapangarap ko, sa istorya kong "PANGARAP NA RELASYON"