"Crush"

19 1 0
                                    

Hi, may gusto lng akong ikwento sa hangin.

Crush, isang salita na kapag naririnig ko ay siya agad yung nasa isip ko.
Tila ba parang musika sa akin ang pangalan niya, sa kanyang maamong mukha ang gusto kong masilayan sa bawat araw.

Sa umaga na pag gising ko ay siya agad ang bubungad sa aking harapan, na mahirap paniwalaan.
Sa pagkat siya ay aking isang malaking inspirasyon lang. Inspirasyon sa bawat araw na aking tinatahak.

Malabo man mangyari ang mga naiisip ko tungkol sa amin, pilit ko padin hndi inaalis sa isipan ko na sana... sana isang araw mapansin niya din ako gaya ng iba.

Sino ba naman kase ako? Wala nmn diba? Ako na isang hamak lang na nagkkagusto sa isang diwata na tulad niya.

Na pinapangarap ko na siya ay aking maging kasintahan. Pero lahat ng iyon ay kathang isip lamang. Sa mga bawat nakikita ko sa mga post niya sa Facebook, may nakikita akong ibang nag rreact ng ❤ at nakaka commentan niya.

Aminado akong nagseselos ako, pero ano ba karapatan kong mag selos? Wala nmn diba? So "shut up" na lang ako. At sa tuwing naaalala ko siya, napapatingin na lng ako sa mga ulap na tila ba nakikita ko ang kanyang maamong mukha, na hinihiling ko sa dyos na sana mapansin niya ako kahit konti lang.

Gusto ko nang sumuko, gusto ko na siyang hiwalayan sa pagiging crush ko siya pero ang hirap pala, ang hirap, sapagkat siya yung aking inspirasyon.

Siya lang yung nkakapag pasaya sakin kahit na sa larawan ko lang siya nakikita ay napapangiti na agad ako kahit na hindi kme magkakilala sa personal o totoong buhay.

At sana balang araw magkakilala kami.

Hindi man kame magkatuluyan, sana makilala ko siya, siya na nagbigay saken ng inspirasyon at halaga kung pano mainlove muli. Kahit na palihim ko lang na narramdaman na mahalaga siya para sakin.

Mga Kwento Ko sa HanginTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon