Gusto ko lng magbahagi ng kwento sa hangin...
Ikaw, kamusta na ikaw? Ikaw na ninanais kong makita sa araw-araw... at "Ako"?. Ako na prang presong nakakulong sa malungkot na nakaraan, na ang nais kong dumalaw sakin ay walang iba kundi "Ikaw".
"Ikaw" na sa tuwing tinititigan ko habang pumapatak ang iyo'ng mga luha sayong mga mata, at sinasabi ko sa aking sarili na "Sana... "Sana ako na lng yun ng panyo. At sa tuwing gabi na akoy pagod... ang yong mga kamay na malaporselanas ang ninanais kong humagod, para maibsan ang aking pagod.
Ikaw, ikaw na sa tuwing aking sinusulyapan ng sandali ay naiibsan ang aking mga lungkot na aking nadarama. At "Ako" ako na isang hamak na tao na pinapangarap na makasama at makapiling ka kahit sandali.
Pinangarap ko noon na makasama ka habang buhay.
Pero, para akong isang baguhan sa isang bayan o bagong salta' o dayo dahil hndi mko napapansin o hndi tayo nag ppansinan... hindi ko alam kung ano ba.. ano ba? Ano? ba ang aking nadarama.. o baka nmn talagang ako lang ang may nadarama sa ating dalawa. O talagang sadyang "Ikaw" at "Ako" ay malabong maging tayo.
Ang iyong pangalan na prang musika sakin, ay laging naririnig.
Hinahanap hanap kung saan hanggang sa matanaw ang yong tinig.
Na sa bawat mga liriko'ng iyong binibitiw ay aking pilit ninanais na baka marahil sa iyong himig ay iyong mabigkas na "Ikaw" at "Ako" ay di maaring Mabuo.
Sinasabi ko sa aking isipan na.. pakiusap, Tumingin ka nmn sken oh.
Malinaw naman yang mata mo, pero bakit dimo nakikita yang kahalagahan ko.
Malakas naman yang pandinig mo pero bakit hindi mo naririnig na siknisigaw ng Puso ko yang pangalan mo.
Mga kataga na pilit kong gustong sabihin sayo ng malapitan. Pero hindi ko magawa. Marahil siguro sa aking isipay hindi mo ako kayang mahalin ng tulad ng aking ninanais.
Kaya't ang salitang "Ikaw" at "Ako" ay hindi magkakatotoo.