Long Distance Relationship

15 0 0
                                    

Hi!
Meron lang ako gustong ikwento sa hangin.

Hi! Date tayo. Kamusta ka na? Tara! Labas tayo. Halika kain tayo ng ice cream'. Nood naman tayo ng sine, Picture naman tayo'.

Mga salitang gusto kong sabihin sa kanya pero hindi ko kayang gawin kase malayo sya sa akin, magkalayo kami ng agwat o distansya.

Hayss... "LDR" o Long Distance Relationship. Sabi nila mahirap daw yan. Malungkot, masakit. kung sabagay totoo nga naman kase mahirap, masakit, at nakakalungkot.

Kapag sumampal sa mukha mo yung katotohanan na hindi mo man-lang mahawakan, yung kamay ng taong mahal mo. Huhm. Nakakalungkot diba.
Telepono at internet ang sinasandalan para makapag usap.

Umaga dito at gabi jan, kelangan pa magpuyat ng isa para makapag usap lang. Pero kahit puyat, masaya ako at nakakapag-usap tayo.
Nagpapalitan ng kwento sa mga bawat ngyare sa mga nakalipas na araw.

Kase sa "LDR" ang pag uusap, parang ginto. Parang kayamanan na napakahalaga.
Hindi ito isang bagay na gngawa lang basta basta, at hndi ito lalong gngwa na take for granted lang katulad ng ibang gawain.

Kase sa tuwing nag uusap tayo,para tayo'ng nasa iisang mundo. Isang mundo na tayo lang ang gagawa, tayo lang ang nagkakaintindihan,nagkakaunawaan,at higit sa lahat nagkakarinigan sa bawat binubulong ng ating mga bibig ramdam ko ang pagkalungkot sa tuwing binabanggit ang mga salitang, sana kung... kung may pagkakataon lang sana.. kung magkalapit lang sana tayo. Magagawa sana naten ng magkasama yung mga bagay na gusto natin gawin ng sabay.

Ang nakakalungkot lang don, Na sa tuwing ibababa mo na ang telepono, natatakot ako. Natatakot ako kase alam ko na sa pagbaba mo ng telepono, babalik  tayo sa sarili nating buhay na wala kana sa tabi ko, Malayo tayo sa isat-isa, walang ikaw, walang ako, walang tayo.

Kelangan ko maging matibay hindi lang para saken kundi para rin sayo, para rin sa atin. Kelangan mong kumapit, at hndi bumitaw sa ating mga pinangako'ng salita sa bawat isa.

Alam mo, naiinggit ako. Naiinggit ako sa mga taong nagkakaroon chansa'ng makasama ka. buti pla sila kahit anong oras pwede kang puntahan, kausapin, at yakagin pumunta kung saan saan.

Sa mantalang ako.. Sa tuwing  pinipikit aking mga mata, tska lang ako nagkakaroon ng chansa'ng makasama ka.

Sa sobrang lungkot minsan mas pinili ko na lang manatili sa panaginip. Dahil sa panaginip masaya ang mga pangyayari.

Sa panaginip hawak ko ang kamay ng taong mahal ko.
Naglalakad ng masaya at walang pangamba, tinginan ng mata sa mata. Palitan ng masasayang salita sa isat-isa walang distansyang bumubukod. Damang dama ko ang pagmamahal mo.
Nararamdaman kong prang andyan ka lang sa tabi ko, na parang iisa tayo ng mundong ginagalawan. Na para'ng tayo'ng dalawa lamang ang tao sa ating mundong ginagalawan. Pero alam ko. Hindi ako pede manatili sa panaginip, hindi ako pwede maging duwag, kailangan ko maging matibay hindi lang para sakin, kundi para rin sayo, para rin sa atin.

Alam ko balang araw, magkakasama tayo sa iisang mundo.
Tulad ko alam kong nahihirapan kana din, sa tuwing namimiss kita namimiss mo din ako, nasasaktan at nahihirapan kana din.

Pero sana tulad ko, kahit ganito pa ang ating sitwasyon.
Kapit ka lang at wag kang bibitiw, distansya lang yan kaya natin yan,  Sabay tayo'ng magllakad sa paraiso na ikaw at ako lang ang masayang naghahabulan sa gitna ng buhanginan, makakasandal kadin sa aking balikat, mayayakap at mahahawakan din ang mga kamay, mapupunasan ang mga luha, mahahalikan kadin sa Noo, sa pisnge, at sa labi at harapan masasabe ang mga salitang MAHAL NA MAHAL KITA! Hmm.. sa mga taong nasa ganitong sitwasyon, tsaga lang at tiwala sa isat isa para mapatibay ang inyong relasyon. Kapit lang, wag kang bibitaw. Kung naiinip ka at bumitaw kana sa kanya "weak" ka, mahina ka at dika karapat dapat para sa kanya.

Mga Kwento Ko sa HanginTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon