Chapter 10: Xandy?

2K 64 4
                                    

Naulan pa rin hanggang ngayon! Thirty minutes na ang lumipas, pero andito pa rin ako sa shed. Sabagay, wala akong balak na lumabas dito. Ayaw ko pang magpakita kay Van, ayaw ko pa...

Ano ang mukang maiiharap ko sa parents ni Kelvin? Na ako, bestfriend nang anak nila eh asawa nang boyfriend nang anak nila. Ano ba ito! Why is it a small world!? Bakit ba ako sumabak sa ganito ko di din pala kaya nang Kitty powers ko!

Wala na! Suko na ako! Tatawagan ko na si Van! Huhuhu basang-basa na ako! Kinapa ko yung bulsa nung dress ko. Teka? Bakit wala yung phone ko? Hala patay! Baka sumabog na naman si Sungit na parang Mt. Pinatubo! Lord please guide me po!

Lumabas ako sa Shed.

" Hala! Ang hirap maglakad!!! " utal ko. Tinanggal ko yung heels ko at binato ko na lang kung saan. Mas okay pa ako sa putek keysa sa injury noh!

Tumingin-tingin ako sa paligid para makahanap nang transpo, pero mukang walang sasakyan na gustong pumara sa'kin... Huhu.

Magisa akong naglakad sa dilim habang naulan, hala siya! Patay talaga ako nito kay Van!

Umupo na lang ako sa damo, wala na! Kahit muka na akong basura ayos lang! Hala sana may makapansin sa'kin!

May dumaan na magkaibigan sa kabilang kalye. Kumaway ako.

" Tignan mo yung babae tol oh! Mukang tanga! Related ata 'to kay Sisa! Hahaha! "

" Oo nga tol! Lumayo tayo diyan baka kulamin pa tayo! "

Sino kaya pinaguusapan nila? Tumuro sila sa gawi ko eh. Tumingin ako sa likod, patay! Walang akong nakikitang tao! Baka may nakikita sila na di ko nakikita! Makalayo nga sa dito, mamaya kung ano pa mangyari sa'kin.

Street lights na lang ang liwanag sa kalye, patuloy pa rin yung pagulan pero di ko na maramdaman yung pagpatak nito. Strange? Eh naulan pa ah! Tumingin ako sa taas at may nagpayong sa'kin. Tumalikod ako para makita kung sino iyon.

" Xandy! " sigaw ko sa kanya. Nakatingin lang siya sa'kin pero nung napansin niyang naka dress ako, eh inalis niya yung jacket niya at ibinigay sa'kin.

" Xandy? My name is Xander. Kailangan na nating bumalik sa bahay niyo Mrs. Fournier. " malamig niyang sinabi sa'kin. Tumitig ako sa mata niya at nagpaawa effect.

" Ah Xandy na lang! Mas madali kong maalala. Please, wag muna tayo bumalik. Kahit samahan mo na lang ako kung saan. Ayaw ko pa kasing makita si Van. "

He sighed.

" Fine. Ikaw ang boss ko, kaya ikaw ang susundin ko. Kung may kailangan ka, just call me. I'll be there no matter what. If you have problems nandito lang ako Mrs. Forniere. That's my job "

" Uy! Wag naman pormal! Kahit Kien na lang. Xandy naman tawag ko sa'yo eh. Isipin mo na lang friends tayo! Wag boss, ayaw ko nun. "

" Sige... Kien. "

" Yown! "

Napangiti ko nang konti si Xandy kaya natuwa ako. Sumakay na kami sa kotse niya at nagpunta sa mall, kaialngan ko magpalit nang damit eh. Tsaka yung itsura ni Xandy parang Men In Black! Parang handa tumake nang aliens! Nakakatakot!

I'm married to a Mafia boss?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon