Part 1

18.8K 140 6
                                    

Sam's Pov





"Tay! Hali na po kayo kakain na tayo" tawag ko sa aking ama habang inihahanda ang simpleng hapunan sa aming hapag,  Habang nakaupo siya sa kanyang willchair, at nanonood ito ng kung anong palabas sa aming maliit na telebisyon. Naaawa ako sa kanya sa tuwing nakikita ko syang nakaupo sa ganyang upuan. Sumisikip ang dibdib ko. Wala akong magawa upang maialis sya sa walang buhay na upuan niyang iyon.





Agad namang pinagulong ni tatay ang kanyang upuan papalapit sa aming maliit at simpleng lamesa.





Kaming dalawa nalang kasi ni tatay ang nag sasabay sa pagkain. Si kuya? Hindi ko na alam. kung san san kasi nag sisinuot yung lalaking yun. Basta uuwi nalang yun pag gustong kumain o di kaya'y matulog at papaliguan si tatay.





Hindi ko na nga din makausap ng matino kasi hindi ako pinapansin. Naawa naman ako sa kanya. Mag mula kasi ng mamatay si nanay nag kaganyan na sya. Ayaw na nyang mag aral at ni hindi manlamang nakatapos ng highschool kasi lagi nalang napapabarkada.







Si tatay naman lagi nalang subsob sa trabaho sa junkshop. Halos hindi na din kumakain. Kahit ganyan ang kalagayan sinisikap nya paring mag trabaho. Sabi ko nga wag na syang magtrabaho kaya ko naman syang buhayin pati si kuya, ngunit hindi sya pumayag. Ayaw nya daw kasi dito sa bahay gawa ng naaalala nya lang si nanay. Kahit naman siguro ako mas pipiliin ko pang mag trabaho kesa mag mukmok dito sa bahay dahil kagaya ni tatay maaalala ko lamang si nanay. Kaya hinayaan ko nalang din. Tutal doon naman sya nalilibang.






6 na taon na din ng mamatay si nanay ng dahil sa sakit sa puso. Hindi na nito nakayanan ang huling atake nito noon. Saktong graduation ko ng elementary naman ng mangyari ang insidenyeng iyon. Simula noon nagkaganyan na ang takbo ng buhay namen.






Noon pa naman ay mahirap na kami. Isang kahig isang tuka ang tingin namin sa buhay. para kaming mga manok. Pero nakakaya namin iyon kasi kumpleto kami at masaya. ang maliit naming bahay ay punung puno ng masasayang ala ala. Masakit isipin na kahit kailan ay hindi na kami mabubuo sa aming simpleng hapag kahit na minsan lamang.





"Oo anak, asan nanaman ang kuya mo? Umuwi ba kanina?" Nag tungo ito sa aming lababo at nag hugas ng kamay.





"Hindi nga ho tay. Pero kagabi umuwi sya at pinalabhan lang sakin yung mga pantalon nya at mag tatrabaho na daw po sya konstraksyon po daw jan sa may malapit na subdivision" sa tagal tagal ng panahon ngayon lang naisipan ng magaling kong kapatid na mag trabaho. Puro tambay at inom lang ang alam noon kaya nag taka din ako kagabi ng sabihin nya  na mag tatrabaho na sya. HIMALA!!






"Aba e maigi naman ng hindi naman puro barkada nalang ang inaatupag ng isang iyon! Abay sakit ng ulo" napangiti nalang ako sa sinabi ni tatay isa talagang himala ang nang yari sa kapatid ko.





Mag mula ng grumaduate ako ng highschool, ako na ang naging katuwang ni tatay sa gastusin sa bahay. mas pinili ko nalng muna ang mag trabaho kesa ang mag aral. Wala din naman akong ipang tutustos sa pag aaral ko hindi namin kaya, para sakin pang mayaman lang ang kulehiyo. bibigyan ko pa ng sakit ng ulo si tatay sa dag dag gastusin kaya eto 2 years nakong nag tatrabaho sa isang fastfood chain dito sa maynila.






"Samiel Ignacio, anak gusto mo bang mag aral ulit?" Tanong sakin ni tatay habang kumakain kami. Muka syang siryoso kasi binanggit nya na buong pangalan ko pero  hindi mawawala ang pag tataka na bumakas sa muka ko.





"Oo naman tay kaso hindi muna sa ngayon chaka na pag nakaipon nako" napabuntong hininga nalang ako.





Naaawa ako kay tatay gusto ko syang iahon sa hirap ayoko ng nalulungkot sila. Bakit ba nang yari samin to? Yan ang palagi kong tanong sa panginoon na hindi naman nabibigyan ng kasagutan.





WAG PO!!! IM VIRGINEWhere stories live. Discover now