Part 2

10.8K 125 9
                                    

Sam's Pov

Lumipas ang araw. Hindi nadin sumagi sa isip ko yung nang yari sa wet market. Masyado nakong madaming problema para problemahin pa iyon. Muka namang hindi na interesado yung hilaw na mama na yun. Wala naman kasing kahina hinalang tao ang napunta dito sa bahay. Kaya hindi ko nalang isiniksik sa utak ko, at inisip pa.

Ilang araw na din naman ang lumipas. Siguro talagang nakalimutan nya na yun.

Nag lalakad ako ngayon sa madilim na iskinita dito sa may pateros patungo sa aking trabaho.

Sanay naman nako na ganito nalang araw araw kilala na din naman kasi ako dito sa may amin. Ang iba nga sa mga tambay dito ay mga barkada pa ni kuya Red kaya wala ng nag tatangkang kumanti sa akin.

"Sam mag iingat kang bata ka at wag mo ng pansinin ang mga taong nag iinuman dyan at walang magawang matino! Araw araw nalang e nag iinom! Wag kang mag aasawa ng ganyan ha! Wag mong biguin ang iyong ama" mahabang paalala saakin ni nanay karmen ng mapadaan ako sa tapat ng kanyang karindirya. Panigurado, kasama na naman sa mga nag iinuman ang asawa nito na si mang kardo kaya mukang pinag saklobang ng langit at lupa ang may bahay nito. Napapailing nalang ako.

"Opo nay karmen" nakangiti kong tango dito. At nag patuloy na sa pag lalakad.

Nag papasalamat na din ako na kahit na ganto ang lugar na aming tinitirhan e may mga kagaya ni nanay karmen na lagi nalang nag papaalala sakin.

Nang akmang malapit na ako sa may kanto, sa may sakayan ng jeep. May biglang humarang sakin na isang lalaki malaki ang pangangatawan kaya nilukuban ako ng matinding takot, lalo na ng makita ko ang kulay pula nitong mga mata. Napa atras ao ng bahagya ng humakbang sya papalapit saakin.


Naku po! Ito naba ang katapusan ng buhay ko? Hindi pako ready! Ayoko pang mamatay! Sigaw ng bahagi ng utak ko.

Naramdaman ko ang pag lapit nya. Para akong na istatwa sa kinatatayuan ko. Hindi ako makagalaw parang may bahagi sa utak ko ang kusang nag uutos sa katawan ko para hindi manakbo. Hindi ko alam kung bakit ngunit kahit anong gawin ko ay hindi ko magalaw ang mga paa ko.

Naiiyak nako. Wala akong magawa. Halimaw ba tong lalaking to? Mag nanakaw? Adik? Nakoooo! Pamasahe ko nalang ang pera ko dito at kung yung katawan ko naman? Hindi pwede! Sa magiging asawa ko lang ito ibibigay!!!

Naramdaman ko ang pag himas ng kanyang mga daliri sa pisngi ko. Tuluyan ng bumaksak ang mga luha ko.

"I like your smell, ang bango mo baby" with a husky voice at inamoy amoy pa ang buhok ko na animoy isang halimaw na hayok sa laman.
What baby daw?

Ang gwapo nya pala sa malapitann nakaka akit ang amoy, ang boses. Ang mga labi nyang maninipis, ang ilong nyang matangos at ang mata nitona kulay light brown. Halata ito kahit na mapula pa ang mata nito na animoy pag tinitigan ka ay ikaw n mismo ang kusang mag huhubad.

Gaaaaad! Sam! Mamamatay kana ang dumi parin ng isip mo! Nakuha mo pang mag imagine! Malandi ka! Sita saakin ng bahagi ng utak ko.

E sino ba namang nilalang ang hindi mag papantasya dito sa lalaki na to? Na kahit mukang adik e maaadik ka rin. Nakasoot ito ng blue jeans at naka t-shirt na puti. Dinagdagan pa ng messy look na buhok nito. Oh diba. Yummy! Kahit simple lang ang porma nito. Malakas parin ang dating ng hinayupak. Lord. Kung hindi lang to mukang masamang nilalang kanina ko pa to sinunggaban.

"Wa-wag p-po si-r ma-marami pa po a-akong pa-panga-rap" nanginginig at nauutal ang boses ko ng binanggit ang mga salitang yan.

Narinig ko ang pagak nyang pag tawa. Nainis ako, gusto ko syang sampalin. Ngunit muling bumalik ang matindi kong takot ng muli syang sumiryoso.


WAG PO!!! IM VIRGINEWhere stories live. Discover now