Cloude David Villacorta's Pov
Nang matapos ko ang mga importanting gawain sa office ay agad na din akong umuwi. Ang hectic din kasi ng araw nato kaya gusto ko ng mag pahinga. Masyado nakong pagod buong mag damag.
Buti nalang automatic yung gate namin kaya hindi na ako nahirapan pang mag bukas. Wala naman kasi kaming guard, wala din kaming maid. Ayoko e. Wag nyo na kong tanungin basta ayoko kaya back off. Tssss
Agad kong ipinarada ang aking sasakyan at nag tuloy tuloy na saloob. What? Parang may kakaiba. Kelan pa nag hired ng maid si Zach? What the!
Nakakapanibago. Ang aming bahay na dating mala tambakan ng basura ay hindi mo na aakalain na nakaranas ng kalupitan sa pinsan kong pulpol dahil sa sobrang linis nito? Sino bang babae ang nauto nanaman nitong lalaking to at napag linis ng mga kalat nya?
Nag derederetcho nako sa hagdan ng may mapansin ako na kung sino sa may couch sa living room. Nilapitan ko ito. Mahimbing itong natutulog doon, at mapapansin mong komportable ito. Nakataas ang mga binti nito sa sandalan ng couch na hindi manlamang inalintana kung sino ba ang nakatira doon dahil hindi nito naisip na naka mini skirt lamang ito. Nakasuoot ito ng katamtamang laki ng t-shirt na may naka print na pikatchu. What? Pikatchu. What the hell. Natuon ang aking pansin sa maliit at hugis pusong muka nito. Binagayan din ito ng katamtamang haba ng buhok na may natural na kulay ash blond. Tinitigan kong maigi ang muka nito na mahimbing na natutulog, teka parang nakita ko nato ah.
Ang manipis nitong labi na natural na mapula, ang katamtamang tangos ng ilong ang magagandang hubog ng mata nito na kahit nakapikit ay hindi maikakaila. binagayan din ito ng malalantik na pilik mata, ang mamula mula nitong pisngi na halata mong natural iyon.
Oo tama! Sya nga iyong babaeng nakatapon sakin ng palamig ba iyon? Palamig daw sabi nya e.
Hindi ko na pinag tuunan ng pansin ang nangyaring iyon nitong nakaraang linggo. Hindi ko alam kung bakit ako napunta sa wet market na yun. Basta may inerhiya na ang bumubulong sa akin na kaylangan kong pumunta doon. Napakunot ang aking noo ng mapag tanto ko ang ang bagay.
Teka oo nga pala anong ginagawa nito dito? Wag nyong sabihin na sya ang bagong nauto ng pinsan ko? Speaking of the devil.
"Woah pinsan bakit ngayon ka lang? Teka nag hired ka ba ng maid? Ang galing naman. Akala ko ba ayaw mo?" Nag kakamot pa ito ng ulo at nag hihikab habang pababa ng hagdan.
" diba dapat ako mag tanong sayo nyan? Sinabi ko naman sayo na ayaw ko ng maid bakit nag hired kang bata ka!" Sita ko dito.
"Woah easy ok. Hindi ako nag hired ng fucking maid. Oh si sam ba yan wag mong sabihing sya ang nag linis dito? Ang galing naman nya grabe nakaka inlove" agad nitong nilapitang ang natutulog at hinimas ang pisngi ng babaeng tinawag nitong sam.
So sam pala pangalan nya. "San mo nama nakuha ang isang yan?"
"Hmmm san nga ba. Ewan ko ba basta kagabi nakaramdam ako ng uhaw galing kasi akong bar nila arthur e puro bampira lang naman yung nandon kaya umalis nako kaya yun nakita ko sya at sinama dito. Grabe bayolente yan. Andami kong pukpok na natamo, hindi pako nakainom ng dugo puro bukolnako." naka simangot nitong tugon.
"Hey wag mong guluhin baka magising" sita ko dito. Ng akmang hahawakan ulit nito iyon.
"Ayan gising na nga! Ang ingay mo kasi" naka simangot namang ani nito. Abat ako ba nghihimas ng pisngi?
Napabalikwas ng bangon ang babaing kanina lamang ay mahimbing na natutulog.
"Anong ginawa nyo sakin? At ikaw!!! Anong ginagawa mo dito?" Nanlalaking mata itong nakatingin sa akin at agad na nag ayos ng upo at tinakpan nito ang legs na kanina pa naka expose sa amin at sa manyak kong pinsan. So ibig sabihin naalala nya ko. Good then.
YOU ARE READING
WAG PO!!! IM VIRGINE
FanfictionAyokong mamatay ng virgine!!!! Over my dead gorgeous smoth sexy. body!!!