CHAPTER FIVE ( THE PAST )

26 5 0
                                    

kyungsoo_ot12 (dedicated)

AE's POV
-Nagulat ako sa sinabi ni Rap,,
seriously?! sila ang The Guardians? sila? as in?!!
-Tiningnan ko si Evan at nakangiti siya.Sadya ba to? oh my !!
"ahm,sige labas na tayo..punta na tayong canteen" -Pagyayaya ko..Nagyayaya ba ako? Parang utos naman na yata? aixt ! basta kilangan kong maisulat ang nangyari ngayon sa Diary ko,kaya kilangan kong mauna sa canteen..
-Lumabas na ako at tumakbo papunta sa canteen at agad kinuha ang diary ko at nagsulat..
*ENTRY #3*
Dear Diary,
Bakit ganun? bakit andito ang 'The Guardians'? Sila kaya yon? Kung sila.... ibig bang sabihin..nandito din siya? pero sino siya sakanila?Sino ang taong nagligtas sa'kin nung bata palang ako?"
--FLASHBACK--(when I was just 8 years old)
Nasa may park lang kami at Kasama ko sina Mama at Papa na namamasyal.Ang saya-saya namin noon,walang problema at masaya ang aming pamilya kahit na only child lang ako.
Umupo kami noon nila Ma at Pa sa may bench sa ilalim ng puno,tapos nakakita ako ng nagtitinda ng Ice cream.Pag kasi Ice cream,wala akong pinapalagpas.Sinabi ko kay Papa na gusto ko ng Ice cream,tapos tumayo agad ako at tumakbo papunta doon,Hindi ko alam na tatawid pala sa daan,dire-diretso lang ako sa pagtakbo ko ng may makakabunggo na sa akin na kotse,Napapikit na lang ako at naramdaman kong may nagtulak sa'kin,imumulat ko na sana ang mata ko nang maramdaman kong natumba na ako.Pero narinig ko ang malakas na kalabog,naiiyak na ako...Akala ko ako na ang mababangga,tumayo ako kahit nakapikit.Pagkatayo ko,may narinig akong malakas na busina,alam kung malaking sasakyan yon,pero naramdaman ko ulit na may humawak sa'kin at binuhat ako.Natuwa ako kasi akala ko si Papa yun,Pero pagkamulat ko ng mata ko,isa palang bata,kasing edad ko lang.
"Huwag ka kasing pumikit,huwag mong katakutan ang mga bagay na nakatadhanang mangyari.Face the challenges and don't be scared." -Pagkasabi sa'kin yun ng bata ay mabilis itong tumakbo palayo.Napansin ko naman na may mga kasama pala siyang ibang bata,7 sila at sa likod ng damit nila ay may nakatatak na "THE GUARDIANS" .Tumingin ako sa kalsada at tuluyan ng naiyak.Nakita ko ang Papa ko na nakahiga,nilapitan ko siya at niyakap,Si mama naman iyak ng iyak at paulit-ulit niyang sinasabi kay Papa na "huwag mo kaming iiwan Pa".Hindi ko alam ang mga nangyari dahil nakapikit ako.Patay na si Papa,iniwan niya kami ni Mama.Siya ang unang nagligtas sa'kin,at ang bata naman ang pangalawang nagligtas sa'kin.
*FLASHBACK ENDS*
-Mabuti nalang at niligtas ako ng bata,dahil hindi ko kayang iwan mag-isa si Mama,ayokong mas lalo siyang maging malungkot.Kaya nagpapasalamat ako sa batang nagligtas sa'kin,Nagpapasalamat ako sa 'The Guardians' ...
" Ae,ang bilis mo naman" -Nagulat ako sa sinabi ni Monique kaya agad kong tinago ang diary ko. Alam mo naman,baka basahin pa --___--
" matagal lang kayo --__-- " -sabi ko. Agad naman silang umupo at kumuha na ng mga pagkain nila.Nandito silang lahat, at kasama nga ang The Guardians.. Tiningnan ko si MaryGlenel na nakaupo sa tapat ko at parang malalim ang iniisip?? Hmm?? Titingin siya sa pagkain niya tapos sa grupo ng The Guardians, Ano kayang meron???
*MARY GLENEL's Pov (change muna :) )
" The Guardians? The Guardians? " --Parang narinig ko na ang salitang yan? Bakit parang kilala ko sila? Sino ba sila? Bakit parang nakita ko na sila?
ARGGGHHH !!!! Nakakainis naman! Kung ano-ano pumapasok sa isip ko! Tsss, makapag meryenda na nga lang..!!! Tssk..

ICE BREAKER'S DIARY ╰COMPLETED╮Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon