CHAPTER TEN

14 5 0
                                    

CHAPTER 10 ( LET ME GO )

@ Airport °

AE's POV

Hinatid Ako nila Evan at nang iba pang barkada dito sa airport,Nandito rin ang 'Guadians' na nagulat sa biglaang pag-alis ko...Hindi nila alam ang totoong dahilan,dahil si Mama ko na din ang nagsabi na kailangan kami sa Japan para sa trabaho,Hindi sila nagtanong pa dahil alam nilang may trabaho talaga kami sa Japan,Oo nga,totoo yun,pero ang pagpunta namin dun..Ay hindi para sa trabaho,kundi para sa pag-papa opera ko...

Nagpa alam na ako sa barkada ko,kila Monique,Sophia,Maryglenel,Precious at Charice....
Puro sila iyakan at laging sinasabi na 'God bless Ae,magpakatatag ka..malalagpasan mo ya...Aja!" Kahit pabulong nilang sinasabi yan,alam kong alam ni Pinsan ang tinutukoy nila..

Sumunod si Evan na niyakap lang ako at sinabing "magpalakas ka" na siya naman talagang balak kong gawin pagpunta ko dun...

Huli ang Guardians,pero pinaka huli si Ranz,na kahit isang gangster...palangiti at makulit na tao..ngayon ay umiiyak na...Gusto kong matawa sa itsura niya kasi nga ang cute niya..Puts... -,- bakit cute tong lalaking to?///__///?

Lumapot siya sakin at yumakap din tulad ng iba,pero ang yakap niya ang kakaiba..Napakahigpit nito na tila ba nagsasabing huwag na akong umalis...Niyakap ko din siya at sinabing...

" Hindi ako makahinga " -- Sa pagsabi ko nun,narinig kong nagsitawanan ang barkada...
Nakita ko naman siya na nagpout...

"panget mong magpout..tsss" -- pagbibiro ko sakanya..

" linya ko yan ah!" -- depensa naman niya ...

" tsss,don't worry hindi na ako magbabago..Hindi naman ako magiging masama.." -- sabi ko sakanya habang nakangiti.

" Kayong dalawa! Tama na pagka cheesy! Baka mapuno ng langgam tong Airport" -- Pagbibiro ni Reese na nagpatawa samin.. Binatukan naman sya ni Rheus ...

" OA mo pre! " -- sabi niya na natatawa nlang..

Tiningnan ko si Ranz at ngumiti.
Ganun din naman ang ginawa niya sakin at hinawakan ang kamay ko...

" Babalik ka ah?Hinhintayin kita dito...at huwag ka talagang magbabago..You know that I need you and I love you,whatever who you are then... " -- sabi niya na ikinalungkot ko,pero hindi ko nalang pinahalata...

Tumunog ang speaker sa Airport na nagsasabing oras na para umalis ako,nagpa alam ni Mama na mauna na,tumango lamang ako..

Tingnan ko muli si Ranz...

" Ranz, Sorry... But let me go "

--- Yan lang ang huling salitang binitawan ko bago ako tuluyang umalis ng Pilipinas at iwan ang mahal kong barkada,pati na ang taong minahal ko na....

ICE BREAKER'S DIARY ╰COMPLETED╮Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon