MJ: Unang Lande

65 1 0
                                    

"Ang sakit na ng panga ko kakatawa."

Ma-drama kong tweet habang nagpupunas ng luha sa aking pisngi.

Bakit ba kasi ayaw niya akong magustuhan? Cute naman ako, ah?

Kinuha ko na lang ang diary ko at sinubukang mag-sulat ng kung ano-ano basta lamang mailabas ang lahat.

Muli akong nag-punas ng luha sa aking pisngi.

"Lando 'Noo' Aparador, malilimutan din kita." Taas-noo kong sinabi.

Dumiretso na ako sa higaan ko upang matulog.

Kaso may parang bagay na gumagambala sa akin at hindi ako makatulog. Muli akong nakaramdam ng luhang namumuo sa gilid ng aking mata.

"Puking'na." Pagmumura ko.

Nakaramdam ako ng sakit.

Hindi sakit sa loob kundi literal na sakit. Binigwasan lang naman ako ng nanay ko.

"Anak ng, bakit ka nagmumura?!" Galit niyang sigaw, may pagkamula ang mata nito dahil, malamang, nagising dahil sumigaw ako.

"Sorry, ehehehehe." Ngiti kong sambit at nag-peace sign.

"Matulog ka ng hayop ka. Ingay ingay eh." Muli niyang pagrereklamo.

Para makatulog, tumingin na lamang ako sa itaas at sinubukang magbilang ng tupa sa dilim.

Matapos ang pitong milyung tupa nakatulog na ako.

"HOY GISING!" Isang malakas na sigaw ang gumising sa diwa ko.

"Ano?! Kakatulog ko pa lang!" Sagot ko ng pasigaw habang pinipilit na matulog ulit.

"Puta ka, alas sinko na ng umaga." Sabi ni mama. Wow ha, labyu too.

Pucha, 3 segundo lang ata ako nakatulog.

So inabot ng limang oras ang pagbibilang ko ng tupa? Kingina.

(Skip na sa school. Lakayongpake)

"Hoy, Janna." Pagbati ni Crixie. Malandi sya katulad ko, pero mas malandi siya. Limang lalaki sa isang linggo? Ako nga apat lang eh. Landi much.

Hindi ko ba nasabing Janna ang pangalan ko? Pake niyo? Janna pangalan ko, wag niyo nang alamin apelido ko, chaka.

"JANNA KING E. NA, HOY PUMUNTA KA DITO AT MAY IKEKWENTO AKO SA'YO."

Pucha. Kakasabi lang eh.

"Ano nanaman ha? Shan?"

Siya si Shan. Malandi siya ng very light.  'Di na kasi pwedeng um-aura kasi may aura siya ngayon.

"Sst, sst, sst, sst, sst!" Sitsit ng principal namin, ganiyan talaga sya sumitsit, parang ahas. "Bawal mag-mura!"

"Yun po talaga ang buong pangalan ni Janna." Biglang bait-tonong sambit ni Shan. Aba hayup.

Mukha namang walang pake yung principal kaya umalis na sya. Kala mo napaka-pretty mukha namang Barney.

"Ano ba 'yun?" Tanong ko.

"Wala lang, gusto ko lang i-sigaw pangalan mo."

Aba pakyu to the hell and back.

"Janna." Sabi ng nakakatakot na anino sa likod ko.

"Hoy, uling. Bakit?"

Siya si Joey. Uling siya, maitim, negro, hindi makita, anino etc.

"Kingina mo, King E. Na." Sabi nya sabay pakyu sign.

"Hindi porket maitim ako, aasarin mo na ako. Hindi ako katulad mo. Ibahin mo ako sa'yo." Pag-iinarte ng uling.

"Inarte ka, kala mo cute." Sabi ko.

"Hi, Janna." Sabi ni-- hindi ko 'to kilala.

"Hu u?" Tanong ko.

"King ina mo, nagpalibre ka sa'kin kahapon." Sabi niya.

Ay oo, si Abraham. Mukhang itlog na ewan. Pinakamalandi sa'min 8 bakla sa isang araw.

"Uy." Sabi ko.

Umalis na siya. Chaka niya.

Biglang may napatingin sa'kin--ewan ko kung tingin ba 'yun kasi singkit siya. Siguro kanina niya pa ako pinagdadasal, may bible na hawak eh. Banal pa naman.

Siya si Elsa. Ewan ko ba kung bakit kami magkaibigan. Siya ang pinaka-mahinhin sa'min pero malandi rin.

"Ay hala, bes. Kipsui ko, sabog." Sabi ko kay Crixie, binugbog, pinalo, sinampal, sinuntok yung boobs niya. Lahat yan ginawa ko sakanya.

"Putang ina, ha." Reklamo ni Crixie.

Andyan kasi si Lando My laby dubs sweetiepie honey flour. Hay, ang kinis ng noo nya. Ang gwapo niya, ang sarap himasin ng noo niya.

Lumapit ako sa kanya with landi effect, tinaas-taas ko yung palda ko, nagpabebe voice, lahat para magpaimpress kay Lando.

"Ay hi, Lando." Sabi ko.

Nandidiri niya akong tinignan.

"Ayoko sa'yo."

Awtsu. Kingina sakit.

"Ha?" Tatanga-tanga ko tanong.

"Ayoko. Sa. Iyo." Sabi niya.

Umalis na ako. Pero bago ako umalis, kiniss ko sya sa cheeks. Gwapo eh.

Nakita ko namang nandiri sya at kumuha ng alcohol at niligo niya yun.

Kala mo kung sinong gwapo, mukha namang may aids.

Umiyak nanaman ako, tanga eh. Masakit.

Hinanap ko sina Crixie pero wala na sila. Aba hayup, nangiwan.

Bigla akong nagulat ng may nagtext sa akin.

+639666666666

e0uH p0uxHz.... :)

Aba, sino naman 'tong jejemon na 'to.

Malanding JannaWhere stories live. Discover now