MJ: Pangalawang Lande

16 0 0
                                    

Brokenhearted parin ako. Pero slight na lang kasi may dumaan kaninang gwapo, chinansingan ko. Happy naman lola niyo.

Pero sa huli, naiinis pa rin ako kasi napunta siya kay Crixie. Chaka naman e, di ko type. Matangkad, nakasalamin, moreno pero di gwapo.

Muli nanamang may nag-vibrate sa bulsa ko.

Nakakakiliti, hayop.

May nagtext nanaman.

bAquIt bAh eNdI muO aqoUh pInApansIn? :-(

Putragis, sumakit ulo ko.

Ni-reply-an ko na nga, para tumigil.

Sino ka ba? Sumasakit ulo ko sa pagtatype mo. Letche.

Itatapon ko na sana phone ko kaso wala pala akong pambili ng bago.

Nag-vibrate nanaman yung phone ko.

sori n po, hehehehehehehehe

Putsi, sino ba 'to?

Sino ka ba? Paano mo nakuha number ko?

sicret po, hahahaha XD

Seryoso, sino ka nga?

S john? Kaklase m aq. XD

Ay oo, si John, yung chaka naming kaklase na dugyot. Hindi namin malaman kung tao ba yun o ano.

Dahil maganda ako, ina-aura-han niya ako. Syempre, um-oo ako, minsan lang may um-aura sa akin e. I-grab ko na yung opportunity.

Gagawin ko?

Bkit b ang sungit mu?

Puta

Ayun, dahil sa gabi-gabi kami nagtetext. Forever na kami. Kahit anong oras nagtetext kami, kahit magkatabi kami nagtetext kami. La eh, mayaman......siya sa load. Pasaload lang sa akin e. Lakayongpake.

Pwd b kitang lgawan?

Ay puta, ligaw agad? Ang bilis ha, ako nga jowa agad e.

No

Syempre slow muna, sayang ang kagandahan ko pag napunta sa mukhang hamog na surot. Ang ganda ko, lagyan mo lang ng 5 filter ay kabog na si mahal. Kaya sorry, hindi patapon ang beauty ko.

Ai? Bkit nman? :(

Ay puta emoticon ang gamit, san ba 'to nakatira? Siya 'tong maraming load tapos hindi emoji ang gamit.

Studies first

Syempre aura first, sinabi ko lang yun dahil maganda ako.

Ai ;(

Putang ina dat emoticon.

Pagkatapos nun, wala na. Nawalan ako ng load, kaya hindi ko nireplyan. Lam niyo na, hindi ako nagpapaload pag hindi gwapo ang katext ko.

Kinabukasan (skip ulit)

Andito lang ako sa canteen dahil yun na yung nakasanayan ng buong klase namin, kasi dito kami nagkaklase. At as usual, hindi mawawala ang mga grupo-grupo sa klase. I-eelaborate ko pa ba sila?

GG Girlz and Boyz, ang hearthrob sa school, mukha namang mga jejemon.

2knight-Ive-Fallen-And-I-Cant-Give-Up, mga cute pero di pasok sa standards ko. Pero yung isa si Red ata? Jowa ng isa sa GG Girlz, ewan ko kung bakit.

Senapi, mga mukhang senapian na ewan.

At syempre, ang grupo ni Lando, ang Fucker6. Ewan ko ba kung bakit ganun ang kanilang group name. Pa-Dao Ming Susu ang peg ni baklita, kaya ako ang kanilang Sunshine in the Rain.

"King E. Na" ay eto na ba ang magsisimula ng lahat. Alam kong may poreber na akong isa pero hindi poreber ang poreber kung isa lang. Tsaka, break na kami nung hindi ko siya nireplyan.

"ene be weg me ekeng tewegen." sabi ko.

"Pahiram notebook sa math, pakopya ass." Ay shet bakit kokopyahin ass ko.

"Ha? Bakit kokopyahin ass ko? Maganda ba pwet ko?" sabi ko.

"der was neber an ass." tangina nito a.

"Assignment kase Janna wag bobo." Ay puta. Binato ko sa kanya notebook ko kaya nasugatan yung noo niya.

Naawa naman ako kaya hinimas ko yung noo niya kasi may healing galing powers ang aking kamay. Soaked kasi yung kamay ko with Omega-3 tsaka Gingko Biloba Extract tsaka Oregano tsaka Cooking Oil tsaka with Glutathione pa. Kaya gumaling agad yung noo niya.

Pero hinawakan niya bigla yung kamay ko. Hala kipsui ko. Hayop, pang-sand paper ang kamay.

Unti-unti niyang inilapit ang mukha niya sa mukha ko. Hala hala hala.

"O ama namin, patawarin ninyo ang mga kabataang ito sapagkat hindi nila alam ang kanilang ginagawa." taimtim na dasal ni Elsa. Habang pikit-mata(wala pala siyang mata #tsinitaproblems) at taas-kamay niyang dasal. Syet Santino.

Mga 3 inch na ang lapit ng noo namin ni Lando ng bigla siyang magsalita.

"Baho hininga mo."

Aba, kasalanan ko bang tuna ang ulam namin kanina.

"Gago amoy dilis ka." Sabi ko.

Tinawanan lang ako nila Crixie kasama yung kasama niyang aura ko dapat, kasama si Elsa na nakapikit na (again, walang mata #tsinitaproblems) kakatawa.

Aba hintayin niyo lang pag nagkaaura ako. Mga paker kayo.

Malanding JannaWhere stories live. Discover now