Chapter 4-Mystery Guy
Shirley POV
“Okay ayusin nyo pakikitungo nyo sa kanya.”
“Yes Ms.Luna!” sabay sabay na sabi ng mga studyante.Halatang nagsisikiligan ang mga madlang babae dito sa classroom. Hindi naman sya gwapo sa paningin ko. Malago ang buhok nya na parang bagong gising at may salamin nga din sya kagaya ko.
“Hi Klerson dito ka sa tabi ko vacant sit oh.” Sabi ni Helena na may kasamang papikit pikit ng mata aba upuan ni Era yun kamot absent lang si Era dun na nya papaupuin tadyakan kaya kita dyan.
“Sorry pero ayoko dyan sa tabi mo gusto ko sa tabi nya.” Sabi ni Klerson na tinuro yung kinauupuan ni Clintom.
“Okay ka lang dude tignan mong nakaupo ako dito eh tapos dito mo gusto umupo.”sabi ni Clintom na naka palumbaba habang nagsasalita.
“Gusto ko kasing makatabi malapit sayo yung babae sa may bintana.”Aba nagulat naman ako sa sinabi nito, ako lang naman ang katapat ni Clintom sa may bintana,halos lahat sa kin napatingin pati si Clintom.“Ahhh ganun ba. Sige.”Pagpayag ni Clintom agad syang tumayo sa kinauupuan nya at lumipat sa may vacant seat kung san naka upo si Gibsen dati.
“Salamat.” sabi ni Klerson
“Ok class I will start the discussion.” Sabi ni Ms. Luna na teacher namin sa Physics
“Class what do you call to the cause of change in the direction of the object?”Inisip kong mabuti ang tanong ni Miss Luna pero di ko maisip tinuro sa kin ni kuya yun, ano ba yun centri...
“Centripental Force.”Saka ko lang nalaman na sumagot na pala si Klerson napatingin naman ako agad , mukha magiging karibal ko to ah.
“Wow ang galing nya ha naunahan nya si nerd na bungi.” Sabi nung isa kong classmate na parang pinaparinig talaga sa kin.Nakatingin pa rin ako sa kanya , may kakaiba talaga sa kanya di ko alam kung praning ba ako o ano pero na huli nya kong nakatingin sa kanya.
“Bakit?”
“Ahhh wa---la.”sabi ko sa kanya tas binigyan naman nya ko ng isang ngiti at bumalik na sa pakikinig kay Ms.Luna nahuli ko naman si Clintom na nakatingin sa min dalwa, ewan ko ba parang ang sama ng tingin nya.
Hangang matapos na ang klase sa tatlong subject namin sa umaga ay nag recess time na , ako naman sanay na hindi nag rerecess .Nakita ko naman si Klerson na nag babasa ng libro si Clintom naman nakapalumbaba, hindi ko maiwasan mapatingin sa kanya pero nahuhuli ko rin syang nakatingin sa kin.
“Hi! Tom kamusta kana?” sabi nung mga freshmen sa kanya na talagang umakyat pa sa 4th floor para lang makipag flirt kay Clintom. Ang bata pa eh kumikiringking na.
“Hoy nerd na bungi wag ka ngang tumingin dito , baka isubsub ko yung mukha mo sa sapatos ko!” sabi nun babaeng freshmen iniba ko naman ang tingin ng direksyon ko.
“Hindi lang nerd na bungi yan kundi walang kwentang tao pa.” Sabi sa kin ni Clintom na ngayon ko lang narinig magsalita.Yumuko na lang ako mula sa kinauupuan ko at hindi ko na sila sinagot,
“Hi Clintom pwede ba sabay tayo kumain mamaya?”
“I’m sorry I can't. May ilang bagay tayong hindi mapagbibigyan kahit konting bagay.”Pinaparingan ba ko nito , nakatingin sa kin eh, pati tuloy yung freshman napatingin.
“Baka kasi may tinatago sya.”sabi ni Klerson hawak pa rin ang libro at nagbababasa.Bigla naman akong napatingin sa kanya at nagulat sa sinabi nya anong ibig nyang sabihin.
“Kung meron man siyang tinatago yun yung kabahoan nya.”sabi naman ni Clintom
Napatawa naman lahat ng freshmen , kainis ha napahiya ako dun hindi naman ako mabaho ah! Bigla naman syang tumayo at lumabas ng classroom sa mga oras na yon pinipigilan ko ang sarili ko na mapakanakit. Sumunod naman sa kanya yung mga freshmen.
Ngayon kami na lang ni Klerson ang nasa classromm tahimik lang kami walang imik imik hanggang sa binaba nya ang binabasa nyang libro at tumayo napatingin naman ako sa kanya dahil papalapit sa kin.Lumuhod sya sa harapan ko at ngumiti.
“Bakit?” tanong ko sa kanya
“Crow.”mahinang sabi nya na kinabilis ng tibok ng puso ko hala kilala nya ako!
“Anong kailangan mo sa kin ?” seryosong tanong ko sa kanya na mula pagmukhang kawawa effect ko kanina ay iniba ko ang sarili ko sa pagiging Agent Crow.
“Baka may maka rinig dito ,mamaya pag umuwi sumabay ka sa kin.”
“Hmm kala mo susunod ako sa’yo?”
“Bahala ka kung ayaw mong makilala ako?”Sasagutin ko na sana sya kaya lang bigla nagsipasukan ang mga kaklase ko , napahinto naman sila ng makita nilang nakaluhod sa harapan ko si Klerson.
“OMG! Bakit nakaluhod sya sa harapan mo! May ginawa ba sya sayo ,papa Klerson?” tanong ni Helena ang reyna ng maarte sa school.
“No, wag kang mag alala I'm just asking her kung pwede ko ba syang maging ligawan.”sabi naman ni Klerson na tumayo na sa pagkakaluhod nya.Well hindi na ko nabigla , pero hindi ako papayag na malaman kung sino sya, nag over react naman yung ibang girls kala mo naman kagandahan sila pang beauty queen kaya ang beauty ko.
“OMG talaga si Klerson na inlove dyan , iww ang panget ng taste nya ha.”
“Hayaan muna andyan pa naman si Papa Tom.”
Speaking of him, napatingin ako sa kanya at mukhang nakatingin din sya sa ‘kin kanina pahindi ko alam kung bakit. Baka dahil sa ginawa ko sa kanya na hindi nya malimutan. Pero natulungan ko na sya kaya dapat wala syang ipag alala sa pamilya nya.
***
Uwian na hindi na ko nag pakipot pa at sumabay na ko sa pag uwi nya nauuna syang maglakad samantala ako na sa likod nya.Dinala nya ko sa isang eskinita na walang makakakita o makakarinig sa min huminto sya sa paglalakad at humarap sakin ako naman kinuha ko yung baril ko sa ilalim ng palda ko na nakalagay sa binti ko at tinutok sa kanya.
“Sino ka ba talaga?” tanong ko sa kanya habang tinututok sa kanya yung baril ko.
Tinangal nya yung salamin nya at tumingin sa kin ng diretso “Another secret agent from another agency.”Mukhang hindi sya natakot sa baril ko na nakatutok sa kanya sa halip ay lumalapit pa sa kin.
“How did you know me?”
“Ako pa walang sekreto sa kin na hindi nabubunyag kagaya mo top rank agent din ako, at may mission din ako kaya ako andito.”
“At ano namang mission yun?” tanong ko sa kanya na lalo pang lumapit sa kin , hinawakan nya yung baril ko at binaba lumapit pa sya ng lumapit sa’kin.
“Para patayin ka.”
“Ahh ganun ba kung magagawa mo.” Sabi ko sa kanya magkalapit pa rin ang mukha namin dal’wa.
“Saka ko na gagawin yun pag alam ko na ang kahinaan mo alam ko naman ngayon na hindi kita matatalo pero makikita mo papatayin kita gamit ang mga kamay ko.” Binigyan nya ko ng isang ngiti at syempre nginitian ko rin syang ng ma ala demonyo.
*Author's Note
The next chapter is posted at dreame.com
BINABASA MO ANG
That Nerd is a Secret Agent
ActionSi Shirley Evangelista a.k.a agent Crow ay isang agent mula sa BSA. Nagpapangap itong ordinaryong studyante ng Adams University hanggang sa isang roller coaster ang nangyare sa buhay nya.