Naka titig ako sa babeng nakasuot ng itim na bistida may suot itong Rosario sa leeg at may itim ding Belo sa ulo nakahawak ako sa kamay ni mama na nakikipag usap sa sa babaeng nasa harapan namin nandidito ako sa orphanage kung saan volunteer si mama pero ito ang unang punta ko dito ..
Ako Si Maria Angela Rivera walong taong gulang at nagiisang anak ng magasawang Rivera ang mama ko ay isang nurse habang ang papa ko naman ay isang teacher masaya ang buhay namin kahit simple Lang ito idulo ko ang mama ko dahil sa propesyon niya ngunit nagbago Lahat yun ng dalhin niya ako sa Bahay ampunan ang heavens orphanage nakilala ko ang tatlong madre doon si sister Elena si sister Rose at si mother superior Esther mababait sila at sobrang maalaga sa mga bata na nakakalaro ko sa Bahay ampunan ...
Lalo pa akong napamahal sa diyos ng mabasahan ako ni mama ng bible kung sa ibang bata ang paborito nilang basahin ay mga story books sa akin gusto Kong binabasahan ng bible bago matulog madalas din Kami sa simbahan every Sunday para magsimba naging inspirasyon ko si God sa Lahat ng ginagawa ko hanggang mangyari ang isang napakalaking dagok sa aking buhay...
December 24 dispiras ng Pasko ng magpaalam ang magulang ko na may isang party na pupuntahan naiwan ako sa Bahay kasama ang kasambahay namin excited ako dahil nakikita kong mga regalo sa ibaba ng Christmas tree maghapon Lang ako naglaro at kinahapunan ay naghintay Lang ako sa couch namin sa pagdating ng magulang ko
"Angela Halika na matulog ka muna Doon na tayo sa kuwarto mo" yaya ng kasama Kong kasambahay sa akin umiling Lang ako at ngumiti
"Dito nalang ako ate hihintayin ko si mama at papa " sabi ko ngumiti Lang si ate at naupo sa uluhan ko nahiga ako binti niya at nanonood kami ng t.v hindi ko napansin na nakatulog na pala ako.
Nagising ako dahil sa ingay ng boses ni ate ng bumangon ako ay may kausap ito sa telepono umiyak ito at napalingon sa akin agad niya akong niyakap Habang patuloy sa pag iyak...nagtaka ako at luminga sa paligid hinanap ko ang magulang ko ngunit Wala parin sila..
"Ate Hindi pa ba umuuwi si mama at papa ?" Tanong ko ngunit maslalong humigpit ang yakap niya sa akin at lalong umiyak
Ng mga panahong yon ay Wala akong maintindihan nagiiyakan ang Lahat ang iba ay yumayakap sa akin may dalawang mahabang kahon sa harapan at may larawan ng magulang ko sa taas puro sorry ang Naririnig ko hanggang sa dumalaw ang mga madre pinaliwanag ni mother Esther sa akin ang Lahat namatay sa aksidente ang mga magulang ko nabangga Sila ng isang lasing na nag dri-drive ng truck Kaya naman ng isugod ang magulang ko sa ospital ay dead on arrival sila ...hanggang Matapos ang libing ay hindi ako iniwan nila sister Esther nalaman ko din na sa Bahay ampunan na ako titira mula ng araw na yon naalala ko pa ang sabi ni sister Esther na "walang may kasalanan ng nangyari aksidente ito " at marahil may dahilan kaya sila nawala at kung Bakit panandalian Lang silang nanatili sa mundo at yun ay ang gabayan nila ang mga kabataan na nasa ampunan at higit sa Lahat ay ang pagsilang sayo sa mundong ito " mahabang paliwanag ni mother Esther sa akin isang Gabi ng Naitanong ko kung bakit ang bilis akong iwan ng magulang ko.
gaya nila sister wala akong sinisi at tinanggap ang Lahat ng nangyari sa tulong ng orphanage ay nakapag Aral ako hanggang makatapos ma's naging malapit pa ako sa diyos ng manirahan ako sa Bahay ampunan sa edad na labing lima ay nakasaksi ako ng isang okasyon kung saan sinama ako ni mother Esther ang pagbibindisyon sa mga bagong madre sobrang namangha ako at simula non ay ang dating pangarap kong maging nurse ay napalitan
Nagpasya ako pumasok sa kumbento at maging isang madre halos mag apat na taon ako sa loob natiis ko Lahat dahil sa Mahal ko ang diyos at siya Lang ang pagaalayan ko ng buong buhay ko ng makalabas ako sa kumbento na halos naging tahanan ko ng apat na taon ay Medyo takot pa ako maraming temtasyon at mag kasalanan sa labas ngunit dahil sa marami din akong natutunan na pagpipigil at pagmamahal sa panginoon ay nawala ang konting takot ko...
Umuwi ako sa ampunan dahil yun ang napili kong tirahan bago bumalik sa kumbento para sa last year ko bilang madre Kaya Kami pinalabas ay upang malaman kung magagawa namin ang aming misyon at yon ay maging matatag sa kahit anumang kamunduhan at temtasyon...
Nakita ko agad si sister Elena na kabababa Lang ng tricycle may bit-bit itong bayong at halatang galing palengke Nagulat pa ito ng Makita ako
"Sister Elena ! Kamusta po.." masayang sabi ko ng makalapit ako ay niyakap ko siya ng mahigpit
"Nakuh... Maria namiss kita hija matutuwa si mother superior pag nakita ka" Halika na sa loob.." natutuwa nitong sabi sabay hila sakin papasok sa loob ng ampunan
Kita ko ang pagbabago ng paligid medyo luma na at kupas na ang pintura ng pader nakita kong madami na ang mga bata na naririto di gaya dati ang mga palaruan ay ganon parin ngunit ang ibang swing ay sira na may kumakaway ding bata Kay sister Elena bawat paglalakad ko ay bumabalik ang mga masasayang pangyayari sa buhay ko kusang Napangiti ako ng makarating Kami sa opisina ni mother superior ay nandoon din si sister Rose naguusap ng masin-sinan ang dalawa at di na nila Kami napansin na Pumasok
"Sister Rose sister Esther " si Maria po nagbalik na " msayang sabi nito kita ko ang gulat at pagngiti nila sister tumakbo ako at niyakap sila sobrang na miss ko Sila sa apat na taon ko sa kumbento ay tanging tawag at lang ang communications ko sa kanila Bati ko ang pagtanda nila may suot bading salamin si mother Esther..
"Maria hija bakit hindi ka nagsabing uuwi ka"! Sabi ni mother Esther sa akin
"Ang laki mo na Maria naku Bakit sobrang Ganda mo sigurado ka bang magmamadre ka hija dahil sayang naman ang Ganda mo" nagiging kamukha mo si mama mary Nakuh..." sabi ni sister Rose saakin
"Si sister diba sabi ko naman sa inyo na ito ang pangarap ko " nakangiting sabi ko sa kanila ngumiti Lang sila sa akin Pinaupo ako ni sister Rose sa upuan sa harapan ng mesa ni mother Esther
"Salamat naman hija at dito mo naisipang tumira hirap kasi Kami sa tao lalo Nat' ma's dumami ang mga batang tumitira dito ngayon "sabi ni mother Esther sa akin nasabi ko kasi sa kanya ang sitwasyon ko
"Wala po kayong dapat ipasalamat dahil ako po ang malaki ang utang na loob sa inyo " sabi ko at nakita kong ngumiti si mother Esther
"Maiba po ako Wala na po bang nagvo-volunteer dito at isa pa po pansin ko rin na maraming nagbago dito sa ampunan" malumanay kong tanong nakita ko ang pagkalungkot sa mukha ng mga madre
"Hija Hindi na kasi gaya noon ang ngayon dumami ang mga batang iniiwan at Wala nang masyadong nag-dodonate para sa pangangailangan ng ampunan at mga bata sa mga bulsa na namin Kami minsan Kumukuha ng ilang pang-gastos " sabi ni mother Esther sa akin nalungkot ako sa kanila lalo na sa mga batang nandidito
"Hayaan mo po mother hahanapan po natin ng paraan yan ang mahalaga po ay makakatulong ako sa ngayon" sabi ko matapos kaming magkuwentuhan ay dinala ako ni sister Rose sa isang silid kung saan magkasama Kami habang inaayos ko ang gamit ay napasilip ako sa binata kita kong Wala na ang mga Bahay sa harapan at tanging ang orphanage nalang ang natira at iilang Bahay na katabi nito napakunot noo ako dahil sa pagkakaalala ko ay maraming Bahay dito Kaya naman nilingon ko si sister Rose na nagaayos sa aking kama
"Sister Rose Bakit para atang nagsi-alisan ang mga tao dito?" Tanong ko kita ko ang pagkayuko niya sabay tingin sa akin
"Si mother superior na ang magsasabi sayo magpahinga ka muna sister Maria " sabi nito ngumiti siya bago lumabas napatingin ulit ako sa labas sa pagkakataong yon ay may nakita akong magarang sasakyan bumukas ang bintana ng kotse ngunit Hindi ko Makita ang nasa loob umalis din ang kotse..makalipas Ang ilang minuto nitong paghinto ...nagkibit balikat nalang ako bago ituloy na ayusin ang mga gamit ko....
BINABASA MO ANG
The Fallen Angel
RandomBata pa lamang si Maria Angela Rivera ay nangarap na itong maging isang madre lalong umusbong ang kagustuhan niyang maging isang madre ng mamatay ang magulang niya dahil sa isang aksidente dahil Doon ay pinunta siya sa Bahay ampunan ng walang kamag...