Umiiyak kong ipinatong ang gamit ko sa mesa ni mother Esther hinaplos ko ang mga ito halos apat na taon akong naghintay para maging isang madre ngunit Hindi na ito matutuloy pa ipinatong ko ang sulat ko para Kay mother Esther pinunasan ko ang luha ko at umalis na sa opisina tinignan ko ang orasan na nakasabit sa pader at nakitang mag aalas dose na pala bitbit ang maliit Kong bag na naglalaman na kakaunti Kong damit ay naglakad na ako upang lisanin ang ampunan walang nakaka alam ng pag alis ko ng maisarado ko ang gate ay muli akong lumingon at tinignan ang kabuuan ng ampunan na nagsilbing tahanan ko simula pagkabata huminga ako ng malalim bago naglakad palayo may dumaang tricycle Kaya sumakay na ako Medyo ilang pa ako sa aking damit dahil naka pantalon ako at t-shirt Lang medyo maluwang ang t-shirt sa akin minsan ko Lang kasi magsuot ng ganito dahil may damit naman kaming mga madre ...
Napabuntong hininga ulit ako dahil sa nangyayari sa akin pero sa tuwing iniisip Kong Hindi na ko magiging isang ganap na madre ay naluluha nalang ako ..iniling ko ang ulo ko Hindi dapat ako nagiisip ng ganon Baka ...Baka... di Lang talaga para saakin ang propesyon na yon at isa pa ginagawa ko ito para kila mother Esther at sa mga bata kung si Jesus nga nagsakripisyo para sa ating Lahat kahit mahirapan siya Kaya ako kahit magsakripisyo ako at mahirapan ay gagawin ko mabigyan Lang ng maayos na pamumuhay at tirahan ang mga taong nagsisilbing pamilya ko...
Ng makababa ako ng tricycle ay agad akong sumakay sa bus papuntang kumbento Kaylangan ko munang magpaalam ng maayos sa kanila na hindi na ako magpapatuloy pa sa pagmamadre ko..
Bandang four a.m na ako nakarating sa kumbento dumeretso ako agad sa opisina ni mother superior Evelyn
"Sigurado ka naba sa pasya mo sister Maria isang taon nalang ang bubunuin mo sana" sabi nito sa akin gusto Kong sabihing "Hindi napilitan Lang po akong huminto" ngunit Hindi na pwede
"Opo sister buo napo ang aking pasya maraming Salamat po ulit sa apat na taong pag-gabay at pag alalay niyo po sa akin marami po akong natutunan" sabi ko sa kanya at ngumiti
"Sister Maria nakikita Kong gusto mong pang magpatuloy ngunit pinipigilan mo lamang alam Kong may dahilan ka kung Bakit mo ginagawa ito at alam Kong ma's mahalaga yon kesa sa ambisyon mo maaring Hindi para sayo ang bokasyon bilang madre at sa palagay ko ay may ibang gusto ang panginoon para sayo tatandaan mo lagi na manalig sa kanya at laging magdasal ...." sabi ni sister Evelyn sa akin tumango ako habang umiiyak inabot niya ang kamay ko at inilagay ang isang Rosario
"Heto regalo ko sayo maging maganda sana ang buhay na kakaharapin mo " sabi niya niyakap ko siya ng mahigpit at sa puntong yon Natapos ang yugto ng pag-mamadre ko
Hinatid ako sister Evelyn hanggang sa harapan ng kumbento at hanggang makasakay ako ng tricycle ay kumakaway ito sa akin ng makarating ako sa sakayan ng bus ay isang bus nalang patungong maynila ang puwedeng masakyan Kaya dali dali akong sumakay isang bakanteng upuan nalang umupo na ako ng biglangMay buntis na sumakay din naghahap ito ng bakanteng upuan ngunit Wala na tumayo ako sa upuan ko at ngumiti sa kanya
"Miss dito kana umupo" sabi ko at tinulungan siya sa malaking bag niya
"Salamat miss " sabi nito ng nakangiti ngumiti din ako sa kanya biglang tumayo yung matandang lalake at sinabihan akong umupo sa upuan niya nagpasalamat ako sa kanya. habang nasa biyahe ay panay ang titig ng babaeng buntis sa akin Kaya nilingon ko siya
"Ano Ganda mo naman miss " sabi niya sa akin habang panay parin ang pagtitig
"Ah" umm...Salamat" sabi ko sa kanya hinawakan din niya ang buhok kong Medyo Brown
"Sana maging kamukha mo ang baby ko " sabi niya sa akin NapaNgiti ako sa kanya ....
" Bakit mag-isa ka Lang nag biyahe nasan ang mister mo?" Sabi ko ngumiti Lang ito sa akin at hinimas ang bilugang tiyan niya.
"Umm.. di ko alam ehh.." sabi niya Lang at tipid na ngumiti Hindi na ako nagtanong pa nalaman kong mag fou-four months palang ang pinagbubuntis niya masaya siya kausap at kahit may problema siya ay masaya parin siya
Tumigil ang bus sa isang bus stop mag e-eight na ng umaga may dalawang oras nalang ako bago mag ten na usapan namin ni Mr. Harrison inaya Kong kumain muna si Rain tumangi pa ito dahil Wala daw siyang pera pero nakumbinsi ko din nag order ako ng madami at halatang gutom ang kasama ko ng Matapos kumain ay sumakay na ulit Kami ng bus mga bandang nine thirty kami nakarating sa manila nagpasya din akong ihahatid Si rain hanggang sa paradahan ng jeep na sasakyan niya.
Ng papunta na ako sa Harrison Company ay nagkanda ligaw ligaw pa ako buti nalang at sa huli Kong sinakyan ay alam ang daan patungong Harrison building ng magtanong ako sa taxi driver kung anong oras na ay nagulat ako dahil 10:05 na Kaya dali dali akong pumasok sa building ng Makita ako ng guard ay Nagulat pa ito sa bihis ko Pinapasok naman ako pagdating sa front desk ay ibang babae ang nandoon wala yung dating mabait kausap medyo suplada ang nakausap ko agad din naman akong pinaakyat sa twentieth floor alam ko na ang gumamit ng elevator dahil nagpaturo ako sa magandang sekritarya nung huling nagpunta ako dito
Pagdating sa twentieth floor ay kita ko na medyo magulo ang table nung magandang sekritarya at parang natataranta at takot sa kausap sa telephone yung isang may maikling buhok .
Nabaling ang tingin ng magandang sekritarya sa akin nagulat ako ng tumayo ito at hinila ako patungong office ni Mr.Harrison
"Nakuh sister kanina kapa hinihintay ni sir galit na galit nga ehhh... ayaw pa naman ng late nun sister" sabi nito Habang hila ako
"Pasensya na may dinaan Lang ako bago nagtungo dito" sabi ko kinabahan din ako sa sinabi niya na galit daw si Mr. Harrison ng makarating Kami sa pinto ng opisina ay kumatok muna siya at bago ako pinagbuksan ng pinto nagpasalamat ako bago Pumasok
"Your late!!!!!.... dumadagungdong nitong bungad ng makapasok ako Napalunok ako at napipi sa takot ko sa kanya
"Didn't I say exactly ten .... and give me a good reason why your late"? Madiing sabi nito habang humahakbang palapit sa akin
"Na"...nagpaalam" paa..a..a.ako sa mga ...kasama ko" utal utal Kong sabi ..nakalapit na siya sa akin sobrang lapit Wala na kaming space amoy ko ang mabango niyang amoy nakayuko ako sa kanya dahan dahan niyang inangat ang ulo ko at napatingin ako sa mga Mata niyang kulay berde
"Wrong answer..."sabi nito sabay sunggab sa labi ko madiin mapusok ang halik niya yung para bang nalalagutan na ako ng hininga...
BINABASA MO ANG
The Fallen Angel
RandomBata pa lamang si Maria Angela Rivera ay nangarap na itong maging isang madre lalong umusbong ang kagustuhan niyang maging isang madre ng mamatay ang magulang niya dahil sa isang aksidente dahil Doon ay pinunta siya sa Bahay ampunan ng walang kamag...