chapter 22

6.1K 196 2
                                    

After 3 years"....

"Ma...ma..." ''  Nagising ako ng marinig ko ang munting tinig natawa ako dahil panay ang pagdampi ng halik sa akin at paghawak ng munting kamay niya sa mukha ko ....

Unti unti Kong idinilat ang Mata ko at bumungad sa akin ang kulay berdeng mata na namana niya sa kanyang ama  ngumiti ako  sa tatlong taong gulang na Si  Lorenz Michael R. Harrison  hindi ko maiwasang hindi maalala sa mga Mata niya ang tatay nila 

"Morning" ... sabay halik sa buong mukha niya na siyang nagpaingay sa buong silid dahil sa pagtawa niya ...

"Ma... antok pa ako" naramdaman ko naman ang paggalaw ng katabi ko mukhang nagising ang prinsesa ko ... limang taong gulang na Si Lucy at pumapasok na bilang kinder two matalinong bata at sobrang bait din ... niyakap ko Lang siya na yumakap din sa akin  kahit hirap kami sa buhay ay hindi ko ipagpapalit ang buhay na meron ako ngayon dito sa Lugar na ito ay tahimik ang buhay namin at masaya Kami ng Kami Lang kahit minsan ay itinatanong nila ang tatay nila..... ang tanging sagot ko Lang ay nasa malayong lugar ang papa nila ... alam Kong inaalisan ko ng papel si Lucas sa mga anak namin pero nasa puso ko parin ang sakit kahit pa tatlong taon na ang lumipas ay mahirap paring maghilom ang sugat ng kahapon na pilit kong kinalimutan  at tinatakasan alam Kong malalaman din ng mga anak namin ang Lahat pero sa tamang panahon nalang siguro....pag malaki na sila at  Kaya na nilang maintindihan Lahat....

Dito Kami sa patnongon antique nanirahan ng tatlong taon mabait ang kamag anak ni manang Sally  at itinuring nila kaming pamilya at hindi kami pinabayaan si tatay Noel at nanay ising ay parang magulang na sa akin wala silang anak at tahimik na namumuhay dito sa patnongon may maliit na  karinderya ang magasawa na siyang pinag tratrabahuhan ko Ngayon  para luto si nanay ising at tatay Noel habang ako ang kahera may dalawang dalagita kaming kasama bilang waitress at isang boy para sa mabibigat na gawain masaya sa trabaho at maasahan ang  mga kasama ko Habang nasa trabaho ay ang pamangkin ni nanay ising ang nagaalaga Kay loki at si Lucy naman ay  sa tapat Lang ng karenderya ang school na pinapasukan....

Tuluyan akong bumangon ng manghingi ng gatas si loki nag hilamos muna ako bago lumabas ng kuwarto buhat ko si  loki  iniwan ko muna si Lucy sa kuwarto dahil sa antok pa siya Medyo bugnutin kasi ang batang yon pag kulang sa tulog  ....May pinagmanahan talaga ...

Ng makababa Kami sa kuwarto ay  agad akong nagtungo sa kusina  nakita ko si tatay Noel na nagkakape Habang nagluluto naman si  nanay ising 

"Magandang umaga po""

Bati ko sa dalawang matanda agad na bumaba si loki sa akin at lumapit kay tatay Noel umupo siya sa hita nito at nakisawsaw ng pandesal sa kape nito natawa si tatay at hinayaan nalang si loki na maki kape sa kanya

"Magandang umaga din hija si Lucy hindi paba gising?" Tanong ni nanay ising sa akin habang ako naman ay lumapit upang tulungan siyang mag hain ng almusal

" nasa taas pa po ayaw pang bumangon alam niyo naman po na bugnutin ang isang yon pag biglang ginigising" Natawa si nanay ising at umiling Lang ....  pagtapos maghain ay siya namang baba ni Lucy  hawak ang teddy bear niya na unang bili ko sa unang suweldo ko noong nagtrabaho ako sa karenderya ...

"Ma..."

"Oh.. halikana prinsensa ko kain na may school kapa diba?"  Masayang sabi ko lumapit si Lucy sa amin at umupo siya sa tabi ni tatay Noel at agad na nilaro si loki   habang ako ay kinuhaan ng pagkain si Lucy ...

Maraming nangyari sa nakalipas na taon at sa Lahat ng hirap na naranasan ko ay natutunan Kong tumayo sa sarili Kong paa ...

 
Matapos ang agahan ay  agad akong tumulong sa pagliligpit ng pinagkainan ng Matapos ay agad Kong inasikaso si Lucy dahil sa pang umaga ang pasok niya ....

...pano Ba yan kat-kat ikaw na ang bahala Kay loki hah?" Alis na Kami ...

Bilin ko sa magbabantay kay loki 

"Opo ate ako napo bahala " Ba-bye  kana ka kay ate at mama mo" sabi ni Kat Kay loki na nakahawak sa hita ko alam Kong gusto niyang sumama pero dahil maraming gawain sa karenderya ay baka Hindi ko siya maalagaan ...

"Sam.."Ma ".. mama" ...

"Dito ka Lang muna diba sabi ko behave Lang Kay ate Kat dahil magtratrabaho si mama" mahinahong paliwanag ko Kay loki 

"Diba Gusto mo ng maraming toys  '..." bibilihan ka ni mama pag naging mabait ka" sabi ni Lucy sa kapatid natawa ako pero Tumango nalang para pumayag na Si loki na paalisin Kami...

"Ba-bye na muahh..tsuppppp"'.. natatawa Kong sabi habang hinahalikan si loki ...

Nang naglalakad na Kami sa daan ay hawak ko sa kamay si Lucy panay ang kuwento niya sa akin ng kung ano -ano  hanggang makarating Kami sa tapat ng school niya ay natigil ako ng Tumigil si Lucy  May tinitingnan siya na sinundan ko din ng tingin nakita ko ang kaibigan niyang si mica na Hinatid ng tatay nito  May kumurot sa puso ko dahil sa alam Kong gusto niyang Makita at makasama ang tatay niya na alam Kong Hindi maaari siguro sa tamang panahon ngunit di pa ngayon .....

"Tara na sa loob"?  Pag-agaw ko ng atensiyon niya tumango Lang ito at muling naglakad

"Ma " Hindi pa po Ba uuwi si papa"? Sa birthday ko po Kaya uuwi siya"?   Sunod sunod na Tanong niya na kinabigla ko yumuko ako sa harapan niya 

"Anak diba sabi ko naman na busy si papa mo  saka na Lang pag uuwi siya hmmm"? Paliwanag ko kita ko ang paglungkot niya 

"Ganito nalang bibilhan kita ng gusto mong teddy bear yung nakita natin sa mall  gusto mo yon  diba"? Bibilhin ko yun sa birthday mo  ..."

Kita ko ang pagliwanag ng Mukha niya at nakahinga ako ng malalim ng hindi na siya nagtanong pa tungkol sa tatay niya  ..alam Kong makasarili ako at  yum ay hindi ko pagsisisihan dahil sa kalagayan ko Ngayon ay Kaya kong magsinungaling para sa ikakatahimik  ng Lahat...

Ng makapasok na ng school si Lucy ay dumeretso ako sa karenderya marami na ang tao pero bago ako makapasok ay may magarang kotse ang nakaparada sa gilid ng school na ikinakunot ng noo ko dahil sa bago ito sa paningin ko ...

"Ate!''... bilisan no daw sabi ni nanay ising"  sigaw ng Lily na isa sa mga waitress namin napunta ang atensiyon ko sa kanya ngunit ng ibalik ko ang tingin sa sasakyan ay Paalis na ito ng tumapat ito sa akin ay parang nanlamig ang katawan ko sinundan ko ito ng tingin hanggang mawala sa paningin ko ang  sasakyan... Sa di ko  malamang dahilan ay Kinabahan ako  ... 

"Ate"'..

Nagulat ako sa muling pagtawag sa akin ni Lilly isinawalang bahala ko nalang ang kaba ko at tumuloy na sa trabaho .....

The Fallen AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon