-Prologue
Sa isang malayong lugar, kagubatan sa ibang salita. May isang lalakeng tahimik na naglalakad sa kawalan. At habang sa naglalakd siya ay may nakita siyang kakaibang bulalak at inamoy niya ito ng tahimik, at pagkatapos ay umalis din agad at muling naglakad sa kawalan.
Sa paglalakad niya ay may nakita siyang babaeng natutulog sa ibaba ng puno. Nilapitan niya ito at pinagmasdan. Habang papalapit siya ay may nakita siyang hawak ng babae, isang Lapis at Sketchpad, at may nakaguhit ding isang bulaklak.
Lumuhod ang lalake sa harap ng natutulog na babae, pinagmasdan niya ng malapitan ang mukha nito hanggang sa bumaba ang tingin niya sa labi ng babae. Mamula-mula ito at mukhang malambot kaya natemp siyang halikan ito sa labi.
Noong una ay nagdalawang isip pa siya kung hahalikan niyo ito o hindi. Pero sa huli ay ginawa niya din. Sa tingin niya kasi ay hindi magigising ang babae. Matapos niyang halikan ito ay gumalaw ang labi ng babae at unti-unting nagising. Mabuti na lang ay nakalayo na ang lalake at hindi siya nakita ng babae. Hinawakan niya ang kanyang labi dahil sa pakiramdam niya ay may kung anong bagay ang dumampi sa labi niya.
Inilibot niya din ang paningin niya kung may ibang tao aliban sa kanya, at sa halip na tao ang kanyang makita ay isang puting kabayo ang kanyang nadatnan.
Kakaiba ang kabayong ito dahil sa parang nag-iilaw ito sa malayuan. Kaya napangiti ang babae dahil sa ito ang unang beses niyang makakita ng ganuong bagay. Mahahaba din ang pilik-mata ng kabayo, kinindatan ng baabe ang kabayo pero inisnab lang siya nito kaya napasimangot siya.
Pero napangiti din at binelatan niya yung kabayo. Pero hindi siya ulit pinansin ng kabayo at umalis ito. Wala sa sariling sumunod ang babae sa kabayo, ibinaba nito ang kanyang sketchpad at lapis sa telang nakalapag sa damuhan.
Sumusunod lang siya sa kabayo hanggang samawala ito, hinanap niya ito at nakita naman niya, kumikislap ito na parang isang fairy dahil sa naanigan ito ng araw. Dumaan ang babae sa dinaan kanina ng kabayo at unti-unting may tumubong mga halaman.
Inilibot ng babae ang kanyang paningin sa buong lugar, pero hindi niya nakita nag kabayo. Kung hindi ang lalakeg humalik sa kanya. Nginitian siya ng laalke at unti-unting nilapit ang sarili nilang dalawa na para bang maghahalikan.
BINABASA MO ANG
Season One: It All Started With A Kiss [On Hold]
Teen FictionNagsimula sa isang halik na hindi alam ng hinalikan niya na hinalikan siya ng lalakeng gusto niya.