Chapter 2:Meet you again

33 1 0
                                    

"Gising na po kakain na" ginigising ako.Sino ba nanggugulo ng tulog ko...Arrgghh kainis naman eh..

Teka nga...Boses lalaki yun ah...

Minulat ko uti uti ang mga mata ko at....

"Ikaw?"

Tama ba ang nakikita ko??Siya nga ba ito?

"Hi.Kakain na kasi tayo kaya ginising na kita.Sorry ah?Napag utusan lang kasi ako ni Hannah eh." At ngumiti siya sakin.

Totoo ba to?Baka naman nananaginip ako ah?

Kinurot ko ang kamay ko at nasaktan ako.Totoo nga!

Ginulo niya ang buhok ko...

"Ikaw ba talaga yan,SHAWN??"

"Oo ako to Claire.Tara na baka bungangaan pa tayo ni--" nagulat kami sa biglaang pagbukas ng pinto ng kwarto.

"Yaaahhhh!!!Bes--Oh bessy gising ka na pala eh.Pero teka...." napahawak si bessy sa bibig niya.

"Magkakilala kayo?!" Tanong niya.

"Mamaya na lang bessy noh?Kumain na lang tayo kasi gutom na rin ako eh.Please??" Sabi ko.Nako lagot ako neto.Hindi ako tatantanan ni bessy hanggat di ko nasasagot lahat ng tanong niya.

Pero totoo ba talaga na nandito na siya?At saka teka...bakit nandito siya kina bessy??Hindi kaya siya yung sinasabi niyang pinsan niya??

Hay nako..Nakakastress!!!Mabuti pa ikain ko na lang to..

Nauna na lumabas si Shawn at sumunod lang ako sa kanya.Pagkababa namin ay bumungad sa mga mata ko ang napakaraming pagkain...

FOODS!!!

ANG PINAKAMAMAHAL KONG MGA PAGKAIN!!

Dali-dali akong bumaba at nagpunta agad sa mga pagkain.Kumuha agad ako ng pagkain at kumain.

"Bessy??" Sabi ni bessy.Napatingin naman ako sa kanya..Hindi lang pala siya yung nakatingin sa kin pati rin pala sina Shawn at yung pamilya niya.Nag peace sign na lang ako sa kanila.Nakakagutom kasi eh.hehe..

"Mianhae (Sorry)" tapos nagtawanan sila.

Kumain kaming lahat at nagkuwentuhan.Masaya talaga dito lagi kina bessy.Kaya nga minsan naiisip ko na dito muna manuluyan eh.Haha.

Nang natapos ay hindi ko na agad nakita si bessy...Tinanong ko na lang kay tita kung nasan na siya at sabi ay nasa guest room daw...

Nako!Patay na!

Mapapasubok pako sa One-on-One neto eh..Huhu...

Umakyat na ulit ako sa taas at pagpasok ko sa guest room ay may tatlong bed na nakalagay doon..Bakit kaya tatlo eh ako lang naman matutulog dito??

Nakita ko si bessy na inaayos yung isang bed.

"Oh bessy bakit ka nandito??"

"Malamang pamamahay ko to eh.Ano ba bessy??Syempre magtatanong na--"

"Ok...Si Shawn ay long-time best friend ko.Matagal ko na siya kilala at di ko naman alam na pinsan mo pala siya.Okay na?"

"Eh pero pa--" naputol yung pagsasalita ni bessy ng biglang dumating si shawn...

"Ahhmm Claire pede ka ba makausap??" Sabi niya.Napatingin naman ako kay bessy.

"Ahhmm bessy ano...ahmm tutulog nako ah??Ay oo nga pala dito tayong tatlo matutulog..Sige usap muna kayo.." sabi ni bessy at sabay higa sa kama niya.

Nauna si Shawn sa may corridor at sumunod lang ako sa kanya.Di ko alam kung bakit kailangan namin mag usap pa eh...

Halos hindi nako makahinga nung nakarating na kami parehas sa corridor.Wala saming dalawa ang nagsasalita..In short,AWKWARD...

"Wala ka ba gusto sabihin??" Nagulat ako sa kanya..Wow lang ah??Siya nag yaya dito tapos ako pauunahin niya??Just Wow...

"Uhhmmm...Hi??" Sabi ko..Wala naman ako sasabihin eh...Ginulo niya buhok ko.Napatingin naman ako..

"Haha..Namiss din kita Claire..." natatawa niyang sabi.Yun ba yun?Yun ba yung gusto niyang sabihin ko??Ang weird niya ah??

"Kumusta ka na??" Tanong niya...

"Eto okay naman...Teka..kelan ka pa nakabalik dito??Tsaka san ka napasok??" Tanong ko sa kanya...Parang ang dami ko nga ata agad natanong sa kanya..Hehe...

"Hahah.. Kahapon pako nandito.Actually same tayo ng pinapasukang school at eventually ako yung sumalo sayo kanina..." natahimik ako sa sinabi niya...Siya yung lalaki kanina??Pero bakit parang....Ay ewan...nakakalito...

"Wag ka na malito dyan.Oo ako nga yon...Hahah..." sabi niya...Okay??Hindi ko na lang ipapahalata...

Natahimik na naman kami.Hindi ko alam kung bakit ganito pero ang AWKWARD TALAGA!!!Hindi ako makahinga ng ayos dito...

"Uhmm..Kumusta naman sa Paris??"

"Yun okay naman.Medyo maraming gawain dun pero kinaya ko naman.Ikaw?" Tumingin siya sakin.Grabe.Namiss ko tong lalaking to...

"Medyo okay naman ako." Yan lang nasabi ko.Di ko alam kung bakit ang awkward eh...

"Wag ka na ma awkwardan satin.Alam ko naman na kanina ka pa na a awkward eh..." buti alam niya.Susko!ang hirap huminga.

"Di lang talaga ako makapaniwala na nandito ka na ulit..."

"Hahah..Ikaw talaga..." tapos ginulo niya buhok ko..Hobby ba niya yun?

"Di ka pa rin talaga nagbabago...Gwkdjmjsxubsnficn" di ko naintindihan yung huli kasi bumulong na lang siya eh.Kahit talaga kailan oh....

"Masaya ako na nakabalik ka na ulit." Sabi ko sa kanya kaso napa hiccup naman ako.Napatingin siya tapos natawa na lang siya.

Nagulat ako sa ginawa niya kasi niyakap niya ko.

Hay nako Claire!Wag ka maghisterical dyan.Walang malisya yan.Magbest friend kayo noh!

"Matulog ka na.Bukas na lang ulit tayo mag usap.Good night,Claire" sabi niya at di ko inaasahan ang sumunod niyang ginawa...

HINALIKAN NIYA AKO!

Pero di sa labi...

Sa noo lang..Haha...

Hay...

Ngumiti na lang ako sa kanya dahil inaantok nako.Pumasok nako sa loob tapos nahiga na...

Bumalik na ang best friend ko.Bumalik na si SHAWN...

A/N:Hello po.Salamat po sa mga nagbabasa kung meron man.Vomment po sana kayo.Thank you po.

In Love With My Best Friend(Super Duper Slow Update)Where stories live. Discover now