Chapter 3:Feelings

25 1 0
                                    

Shawn's POV

Umaga pa lang dito sa Paris ay naghanda na ako para sa flight ko mamaya.Pupunta na ako kina Hannah to stay there for good.Hindi ko alam eh pero ayon yung utos nina mom and dad.Kahit kelan hindi ko pa sila sinusuway kaya sumunod ako.Good boy ako eh haha..

Maliligo na sana ako kaso biglang nagring yung phone ko.Si Hannah yung nakita ko sa Caller ID.Sinagot ko na yun.Baka bungangaan ako eh.Haha..

"Oh hello"

[Kuya!!Ano oras flight mo??]

"Excited eh..Mamaya pa mga 1.Bakit?"

[Sayang.Akala ko pa naman makakapagkwentuhan pa tayo mamaya.Di bale na nga.]

"Dyan naman na ako papasok ah.Tsaka I'll stay there for good ah..."

[Oo na oo na.Ipapakilala ko sayo yung best friend ko dito kuya.Mabait yun tsaka maganda pero mas maganda ako.Haha]

"Wews.Sang banda ka maganda?Joke.Oh sige na maliligo nako."

[Ok bye kuya.Take care] tapos naputol na yung call.Kahit kelan talaga ang kulit niya.

Naligo na ako at nag ayos.After nun,nagpunta nako sa airport.Sakto naman na papaalis na yung plane namin kaya sumakay nako sa plane.

Ang dami ko ring namiss doon.Yung panahon,yung mga pagkain,sina tita at tito,tapos si Claire..

Oo,miss ko na ang best friend ko...

Di ko nga alam kung tanda pa niya ako eh.

Pagkasakay ko ng plane ay napaidlip ako...

Hannah's POV

Tinawagan ko si kuya Schy kanina dahil excited na talaga akong makita siya!

Matagal tagal na rin kaming di nagkikita.Ipapakilala ko siya kay bessy...

Napapaisip tuloy ako.Pano kaya kung dumating na siya dito?Pano kaya kung ma---

"Anak aalis lang ako ah??Maghanda ka na.Ayusin mo na magiging kwarto ng pinsan mo." Sabi ni mommy..Susko!Ako na naman!!

Wala akong ibang nagawa kundi ang sundin si mama...Hay nako kasura eh...Gggrrr...

Inimis ko na lang ang kwarto na tutuluyan ni kuya.Sana may dala siyang pasalubong.Hihihi...

Nung natapos ko na yung imisin ko ay nagpunta ako sa may pool side kung saan kita yung mga tao sa labas.Magheheadset na sana ako kaso may nakita ako...

Parang familiar sakin..Nakatalikod kasi eh...

Hinintay ko na humarap siya at...





















At tama nga!!!Si bessy!!Pero bakit may kasama siyang lalaki??Sino siya??








Don't tell me manliligaw niya yun kundi...Ay basta!


Third Person's POV

Nakalipas ang ilang oras at nagising na si Schyler.Sakto naman at nakadating na ang eroplano nila sa Pilipinas.

Pagkapasok niya ng airport ay bumungad sa kanya ang pamilya ng kanyang pinsan.Masaya nilang sinalubong ito.

Habang nasa sasakyan sila pauwi ay nag usap ang mag pinsan.

"Hannah"

"Oh bakit kuya?"

"Kumusta na si--"

"Ay oo nga pala!Ipapakita ko na sayo best friend ko.."

Napailing na lang si Schyler sa pinsan niya.Ilang segundo ang lumipas ay ipinakita na rin ni Hannah ang litrato ng kanyang kaibigan na si Claire kay Schyler...

Shawn's POV

Ipinakita na sa akin ni Hannah yung picture ng best friend niya.Kinuha ko sa kanya yung cellphone niya para mas makita ko kung sino yun.

Bigla na lang bumilis yung tibok ng puso ko...

Parang nung una kaming magkita...

Ganito rin yung nararamdaman ko...

Si Claire ang best friend niya...

Si Claire...Siya yung best friend niya na best friend ko rin...

Napakagaling mo talaga tadhana!!!

Hindi ko maiwasang mapatitig talaga sa picture niya.

Nakakamangha pa rin yung ganda niya.Hindi lang siya maganda sa panlabas kasi kahit yung ugali niya maganda rin...

Hindi siya perpekto dahil marami din naman siyang hindi pa alam sa mundo at marami rin siyang mga pagkakamaling nagagawa pero hindi ko alam kung bakit....

BAKIT KO BA SIYA NAGUSTUHAN???

Hindi ko alam kung paano ko ilulugar yung sarili ko.Hindi ko masabi sabi sa kanya tong nararamdaman  ko dahil ayokong mawala yung matagal na naming pagkakaibigan.

"Kuya???May...problema ba?Kanina ko pa gusto kuhanin yung cp ko kaso...nakatitig ka sa pic ni bessy...May problema ba??"

"W-wala...oh eto na..." Inabot ko na sa kanya yung cellphone niya.

Susulitin ko na lang muna yung mga panahon na magkaibigan kami...Ayokong sirain yun dahil lang sa gusto ko siya...

Claire...Gusto Kita...

A/N:Hi guys...Sorry sa short update wala sa mood si author eh.Promise babawi ako sa inyo.Sa mga nagbabasa thank you so much.Sana patuloy nyong suportahan ito.

P.S. May page na po itong story na ito.Just like it po and spread it na rin po.

"In Love With My Best Friend"

Yan po..Dyan ko po ipopost kung kailan ulit mga next updates at mga kailangan ko po.Salamat po...

In Love With My Best Friend(Super Duper Slow Update)Where stories live. Discover now