Shawn's POV
Nagising ako ng maaga ngayon.Nandito pa rin ako sa bahay nina Claire...
May pasok nga pala ngayon...
Bumangon nako sa sofa at tiningnan si Claire...
Hinipo ko yung leeg niya kung mainit pa siya at....
Mainit pa siya.Nako di ako makakapasok neto.
Pero di ko siya iiwan..Aalagaan ko muna siya hanggang sa gumaling na siya..
Inayos ko yung kumot niya tsaka ako lumabas ng kwarto.
Nagulat ako kasi paglabas ko ng kwarto,nakita ko mommy ni Claire sa kusina na naghahanda ng lulutuin niya...
"Oh Iho,nandito ka pala.Kelan ka pa dumating tsaka bakit ka napadalaw?" Ay di ba alam ni tita??
"Ah tita di po ba ninyo alam?May sakit po si Claire eh.." Nagulat siya sa sinabi ko..Sabi na eh di niya alam...
"Huh??May sakit siya??"
"Opo tita eh.."
"Ay nako Ijo pasensya na sa abala ah??Pasensya talaga..Hihingi sana ako ng pabor sayo..."
Nakakatawa si tita kasi magsosorry siya tapos sabay hingi ng favor.Hahah...
"Ano po iyon?"
"Kasi 2 years ako mawawala..Pupunta ako sa New York kasi gawa ng work ko.Ihahabilin ko sana say--"
"Okay lang po tita.Kahit di nyo po sabihin gagawin at gagawin ko po yan." Napangiti naman si tita sa sinabi ko at niyakap ako.
"Maraming salamat Ijo.Kaya botong boto ako sayo eh" Ha?Ano daw?
"Po?"
"Wala.Sabi ko kaya gusto kita para sa anak ko kasi maalaga ka..mabait..mapagmahal..diba?"
Napangiti naman ako sa sinabi ni tita.
"Wag po kayo mag alala kasi kahit naman po di nyo ihabilin sakin si Claire aalagaan ko po yan.Best friend ko po siya eh..."
"Best friend nga lang ba Ijo??" Tapos ngumiti siya sakin.
"Alam mo Ijo di mo kailangan itago sakin.Alam ko more than a friend ang tingin mo sa anak ko.Tama ba ako?"
Lahat ng sinabi ni tita tama.More than a friend ang tingin ko sa anak niya.More than a friend ang tingin ko kay Claire...
"O-opo tita..."
"Wag ka nga mahiya diyan.Payag na payag ako.Botong boto nga ako sayo eh." Nabuhayan naman ako ng loob sa sinabi niya...
"Salamat po tita...Salamat po"
"Basta ito lang ang tatandaan mo...Kapag nasaktan ang anak ko,makakatikim ka sakin..."
"Makakatikim ng ano mommy?" Nagulat kami pareho ni tita kay Claire...
Nandito si Claire?!
Napatayo naman agad ako..
"Bakit tumayo ka na agad?Dapat tinawag moko.Pano kung natumba ka ha?" Sabi ko sa kanya.Sobra akong nag aalala eh.
"Shoot! 3 points!" Hahah.Nakakatuwa si tita.
"Eh kaya ko naman Shawn eh.Wag ka na mag alala."
"Diba nga sabi ko di ako pedeng di mag alala sayo?"
"Ehem.Anak nandito ako..."
Natawa naman kami ni Claire sa kanya.Lumapit si Claire sa mommy niya tapos niyakap niya ito.
YOU ARE READING
In Love With My Best Friend(Super Duper Slow Update)
Teen FictionBEST FRIENDS FOREVER... Yan ang pangakong iniwan nina Claire at Shawn sa isa't isa.Naniniwala sila sa forever lalo na at dahil sa pagkakaibigan nila.Ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon,maiinlove si Shawn sa best friend niya... Matutupad pa kaya n...