Chapter 7:I'll Be By Your Side

24 0 0
                                    

Claire's POV

Ang tagal naman ata ni Shawn kumuha ng gamot.Ang sakit na ng ulo ko...

Nilalamig na talaga ako.

Hapon pa lang pero nilalamig na agad ako..

Nangangatal na talaga ako sa lamig...

"Shawn..." alam kong hindi niya ako rinig.Pero di ko na talaga kaya yung lamig na nararamdaman ko...

Pumikit na lang ako.Sobrang lamig na...

Mag dadalawang oras na siyang wala.Hindi kaya umuwi na siya??

Sabi niya intayin ko daw siya pero bakit hanggang ngayon wala pa siya?

Feeling ko kahit nakahiga ako mawawalan nako ng malay...

Blaggg

Sobrang lakas ng pagbukas ng pinto.Nakita ko si Shawn na dala dala yung gamot at bakas sa mukha yung pag alala...

"Claire!Claire pasensya na.Pasensya na nagtagal ako.Nangangatal ka na sa lamig!" Hininaan niya yung aircon tapos kinumutan na niya ako...

Pero nangangatal pa din ako...

"Inumin mo muna tong gamot mo.Baka sakaling hindi ka na lamigin pag umepekto na tong gamot sayo." Pinainom niya ako ng gamot pero nangangatal pa din ako.

"Kasalanan ko to eh.Sorry Claire...Alam ko na...Pede ba ako tumabi sayo??" Hindi na ako makasagot dahil sa lamig na lamig na talaga ako...

Naiyak na lang ako...

Tumabi siya sa kin at niyakap niya ako...

Naiiyak ako..Kasi wala akong magawa sa sarili ko ngayon dahil hinang hina ako.

"Wag ka na umiyak.Ayokong makitang umiiyak ka.It hurts for me to see you cry Claire..." sabi niya tapos pinunasan yung luha ko.

"Tahan ka na...I'll be by your side Claire...Di na kita iiwan..."

Bigla ako nakaramdam ng pagkakomportable.Medyo nawawala na yung lamig na nararamdaman ko.

"Magpahinga ka muna.Dito lang ako sa tabi mo hanggang sa magising ka...Di kita iiwan..." parang ang lalalim ng mga sinabi niya.

Hinayaan ko yung sarili kong matulog na yakap yakap niya...

Hannah's POV

"Bes!Uuwi nako.Sasama ka ba sakin?" Sabi ko sa friend kong si Trinaty Lara Smith.Di ko alam kung bakit bigla ko siyang niyaya pauwi...

Sabagay baka wala pa sa bahay si kuya.

Kumusta na kaya si bessy??Nakonsensya naman ako bigla kasi di ko siya pinansin kanina...

"Oo bes.Pede ba ko sumama?" Tanong niya..

"Oo naman bes.Tara?"

Naglakad lang kami ni Trinaty pauwi sa bahay namin.Pagdating namin sa bahay ay napatigil siya sa harap ng bahay namin.

"Oh bakit bes??"

"Wow!Ang ganda ng bahay nyo bes..."

"Ayy akala ko naman kung ano..Salamat.."

"Hehe tara na sa loob..Ayy teka...May pagkain ba??" Ang sigla niya...Ang sarap kasama nitong bes ko...

Pagkain....

Naalala ko si bessy...

Aish..Bahala na nga...

"Oo merong pagkain sa loob.Tara??" Tapos pumasok na kami sa loob.

In Love With My Best Friend(Super Duper Slow Update)Where stories live. Discover now