Chapter 5:Their Reason

29 1 0
                                    

Hannah's POV

"Kuya??" Sabi ko.Na pre occupied si kuya.Ang lalim ng iniisip niya ha?Pero teka...oo nga pala.Galit nga pala ako sa kanya...

"Kasi...ano...ahhmmm..." Aish!Ano ba kasi yun??Nakakainis ah...May pasok pa tayo kuya susko naman!

"FYI kuya may pasok pa tayo so kung hindi mo sasabihin papasok nako sa loob at--"

"Kasi gusto ko siya lang tatawag sakin ng name na yon!Kasi gusto ko siya lang ang babanggit ng second name ko!Kasi gusto ko siya.Kaya Shawn ang tawag niya sakin!"

Literal akong napanganga sa sinabi ni kuya.Gusto niya si bessy?How come did it happen?Paano???

"Oo gusto ko si Claire.Gustong gusto ko siya.Matagal ko na siyang gusto,Hannah.Hindi ko lang masabi sa kanya kasi ayaw kong masira ang pagkakaibigan namin."

"Matagal na kuya??Pero paano??Bakit??gulong gulo ako kuya ah?"

Yaaaaahhh!!!Gulong gulo nako.Huhuhu...

"Nagkakilala kami noong elementary pa kami.Lagi siyang binubully noon..." napangiti si kuya.Siguro naaalala niya lahat ng nangyari sa kanila kaso nabitin naman ako..

"Lagi siya noong pinagkukumpulan ng mga bully.Dahil sa curious ako,nilapitan ko yun.Nandun lang siya sa isang sulok.Nakaupo,naiyak,hindi lumalaban.Ipinagtatanggol ko siya sa mga bully noon..."

"Tapos??kuya pede wag mo nang putulin??nabibitin ako eh.."

"Tapos nakipagkaibigan ako sa kanya noon.Habang tumatagal mas lalo ko siyang nakilala.Sobra kasi niyang bait.Hindi siya lumalaban.Ayaw niya kasi ng gulo o ng away...Tahimik lang siya pero ginawa ko lahat ng kaya ko para maging active siya...Mas lalo ko siya nakilala nung naging kalog na siya.Pero nakikita ko lang yung pagiging kalog niya kapag magkasama kami...Mahiyain kasi yun eh..Pero pag ako kaharap walang hiya..Hahah...Habang tumatagal nagugustuhan ko siya...Ang saya ko kasi pag kasama ko siya...Kaso nga lang...Kinailangan na namin pumunta ng Paris...Hindi na ako nakapagpaalam kay Claire...Pero kahit nasa Paris ako,hindi nawala yung pagkagusto ko sa kanya...Mas lalo ko pa nga siyang nagugustuhan kahit nandun ako eh..."

Wow...Noon pa lang pala magbest friend na sila...Nainggit tuloy ako..Pfft...

Bakit pa kasi kailangan nakahiwalay kami kina kuya eh...huhuhu...wala tuloy ako alam sa buhay niya nung bata pa kami..

"Kuya...Naiinggit ako...Buti pa kayo matagal na magbest friend..Huhu..."

"Magtatagal din kayo ni Claire.Panigurado yun" tapos nginitian lang ako ni kuya.Wow kuya ha?Grabeeeee...

"Bessy..." nagulat kami pareho ni kuya sa nagsalita.Alam ko na kung sino...Siya lang naman natawag ng ganon sakin eh hahahah..Baliw ko na talaga..

Ayy alam ko na!Magkukunwari ako na galit sa kanya..Wahahah!!!

"Ahhmmm kuya maliligo nako.Baka kasi malate pa tayo eh.Ikaw din ah??" Sabi ko sabay tayo.Naglakad nako papunta sa loob pero may humawak ng kamay ko..

Hahahah..Ang pakipot ko...Sorry bessy trip muna kita ngayon..Ngayong alam ko na ang reason ni kuya,yung iyo naman aalamin ko wahahahah...

"Bessy galit ka ba sakin??" Sabi niya.Tumingin lang ako sa kanya tapos inalis ko yung pagkakahawak niya sa kamay ko...Naglakad na ulit ako papasok..Wahahah..Sorry bessy ko..Love pa rin naman kita eh..Heheh...

Claire's POV

Huhuhu...Bakit di ako pinapansin ni bessy??Galit kaya siya sakin???

Ayoko ng ganito eh..Di niya ako pinapansin...Naiiyak na naman ako...

In Love With My Best Friend(Super Duper Slow Update)Where stories live. Discover now