(27) Bangag Ako

20 3 0
                                    

Bangag Ako

Bakit ba nababahag ang buntot mo sa t'wing lumalapit ako sayo?

Mukha ba akong tomboy o sadyang kamukha ko lang talaga ang tatay mo?

Hindi naman ako bully para suntukin ka at itapon sa crater ng volcano.

Mukha rin ba akong aswang o white lady na kinatatakutan ng ibang tao?

Ang gusto ko lang naman talaga ay ang maging kaibigan ko ang isang tulad mo,

Dahil madalas kitang nakikitang tahimik at mag-isa na para bang naengkanto.

Hindi ka ba nakakaramdam ng pagkalungkot at boring kapag walang umaalalay sayo?

Huwag ka nang mahiya sa akin dahil makapal naman ang mukha ko sayo,

Basta't lagi mo lang tatandaan ang paminta sa mukha ko,

Para naman sumarap ang iyong adobo este tandaan mo ang pangalan ko,

Nang sa gayon ay matulungan kita sa mga problema mo

At para hawaan kita ng pagkabangang ko,

I thank you.

-9/24/16

* * *

Pasensiya po sa pangbaliw na tula ko.

Nonsensical Thoughts Become ThingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon