(50) Akala Ko

23 2 0
                                    

Akala ko,

Ako lang ang nakadarama nito,

Wala akong kaalam-alam na parehas lang pala tayo,

Sa isang okasyon,

Ay niyaya mo ako,

Isinayaw mo ako na para bang close tayo,

Hindi ako noon makatingin sa mga mata mo ng diretso,

Sapagkat kinabahan ako ng todo,

Pero natuwa ako sa kabilang dako,

Nang mahuli kitang tinititigan mo ako,

Lumipas ang ilang araw pagkatapos nang okasyon,

Akala ko'y tayo'y hanggan na lang doon,

At sa pangalawang pagkakataon,

Mali na naman ang akala ko,

May nakapagsabing noon pa ma'y hinangaan mo na ako,

Kung kaya't labis ang tuwa sa mukha ko,

At isang araw,

Nabigla na lang ako,

Nang makatanggap ako ng mensahe na mula saiyo,

Hindi ko man wari kung kanino mo nakuha ang cp number ko,

Naging textmate pa rin tayo,

At naglaon,

Mas lalong dumagdag ang kakaibang nararamdaman ko saiyo,

At mas hindi ko inasahan na dumating ang araw,

Na niligawan mo ako,

May pag-asa ka,

Subalit maghintay ka,

Sapagkat darating ang tamang panahon para sa ating dalawa,

Na alam kong magbibigay sa atin ng tunay na ligaya

Pero 'yun ay kung makapaghihintay ka.

~ 4/19/17

Nonsensical Thoughts Become ThingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon