Chapter 2

1.1K 28 0
                                    

Naghahanda si Jho sa kanyang paglipat sa Eliazo

Jaja: Sa wakas, wala ng maingay at magulo dito sa bahay! haha! 

Jho: hay nako Ja, alam ko namang mamimiss mo talaga ko, wag kang mag-aalala lagi kitang tatawagan hahaha :D

Jaja: ay wow teh, taas ng confidence ah -_-

Jho: Sige kunwari nalang na hindi halatang miss mo ko hahaha

Jaja: Bahala ka nga jan! 


Paglabas ng kwarto ni Jaja tsaka naman pumasok ang Mama Lovel nila


Mama Lovel: Anak, ayos na ba ang gamit mo? 

Jho: di pa ma, kasi si Jaja imbes na tulungan ako, ginugulo pa ko

M.L: hay nako, kayong dalawa talaga. sige ako nalang ang tutulong sayo.

Jho: wag na po ma, magluluto pa po kayo diba, baka mapagod pa kayo.

M.L: sigurado ka ba anak?

Jho: Yes Ma, unti nalang naman po ang aayusin ko.

M.L: sige magluluto na ko para after mo niyan kain na tayo at makaluwas ka na.

Jho: sige po.


Patuloy pa din ang pag-aayos ni Jho ng kanyang gamit pagkalabas ng mama niya sa kwarto niya. Habang nag-aayos ng kwarto ay hindi mapigilan ni Jho ang maging malungkot sapagkat ito ang unang beses niyang malalayo sa kanyang pamilya. Ilang minuto pa ay natapos din ni Jho ang pag-aayos ng gamit niya. Napagpasyahan na din niyang maligo na bago bumaba sa kusina. Habang nagbibihis ay narinig niyang tinatawag na siya ng mama niya at sinasabing kakain na sila. Pumunta agad si Jho sa kanilang hapagkainan.

M.L: Jho, tapos na ba ang pag-aayos ng gamit mo?

Jho: Opo ma, unti lang din ang dadalhin kasi sabi pwede pa naman daw pong umuwi every weekend.

M.L: Mabuti kung ganun, pero kung hindi mo kakayanin, magpahinga ka nalang dun at kami ang dadalaw sayo.

Jho: Aw, salamat po Ma. Kahit na alam kong nagdududa kayong payagan ako ay hinayaan niyo pa din ako.

M.L: Alam ko kasing yan ang pangarap mo anak. Ayokong hadlangan ang pag-abot mo sa pangarap mo. 

Jho: Thank you talaga Mama! I love you po!

M.L: Mahal ko rin kayong magkapatid. Osiya tapusin mo nayang pagkain mo, para makaluwas na tayo. Baka abutan pa tayo ng traffic.

Jho: Sige po. Ikaw Ja, sasama ka ba sa paghatid sakin?

Jaja: Syempre naman! Chance ko ng makita yung crush ko dun sa ALE noh!

Jho: At sino naman yun?!

Jaja: secret! baka agawin mo pa! :P 

Jho: ay jusko Ja! >.<


Pagkatapos kumain, ay lumuwas na agad sila Jho. Habang nasa byahe, magkahalong tuwa, kaba at lungkot ang nararamdaman. Tuwa dahil matutupad na ang pangarap niyang maging parte ng ALE. Kaba dahil hindi siya sigurado kung kakayanin niya ang magiging training at kung makakasabay siya sa ibang ALE. At lungkot dahil malalayo siya sa mama at kapatid niya. Sa kakaisip niya ay unti-unti siyang nakatulog.


Hindi naman naging matagal ang byahe nila Jho. Pagdating nila ng Ateneo. Ginising ni Mama Lovel si Jho.

M.L: Jho anak, gising na, andito na tayo sa Ateneo.

Jho: Ma, sabi po sakin, sa athletics office daw po muna tayo dumiretso. Malapit daw po yun sa BEG.

M.L: ah ganun ba. Sige anak.


Pumunta ang mag-iina sa BEG. Naabutan nilang nag-uusap sila Coach Parley at Alyssa.

Jho: Good afternoon po. I'm Jhoana Maraguinot. San po dito yung Athletics Office?

C.P: Good Afternoon din. Anong kelangan mo sa Athletics office?

Jho: Ako po yung ni-recruit ni Coach Sherwin for the Volleyball po.

C.P: ay ganun ba. Sige tara samahan kita. Alyssa (tumingin kay Ly), mauna ka na sa dorm. Sabihin mong wala munang training bukas ng umaga, pero sa hapon ay hard training na tayo. Pasabi na din kay Kulit na pasalubong ko wag niyang kakalimutan kung hindi 100 laps sa gym hahaha.

Aly: Sige po coach! 


--------------------------A/N------------------------

Pasensya late nag-update, nagfinals week 'e hahaha...

Sorry lame update... pero basta abangan niyo magiging flow ng kwento hahaha.. 

Ano Nga ba Ako Sa'yo? Where stories live. Discover now