Chapter 14

875 19 1
                                    

Jho's POV


Gamit agad ni Bea ang napansin ko pagpasok ko ng kwarto. Marahil ay hindi pa nakakabalik si Bea kaya ganto pa yung gamit niya. Siguro bukas andito na siya kasi may training na ulit. Sana maging maayos ang pakiramdam ko towards sa kanya. Lagi ko pa din kasing naaalala yung sinabi niya sakin nung team dinner na aalagaan at iingatan niya ako... Sana hindi ako mailang sa kanya.... Sana talaga....


Pagpasok ko ng kwarto, ay nagpahinga lang ako saglit. After mga 15 mins, napagpasyahan kong magshower na para makatulog na din ako at may training pa bukas ng umaga. Nang matapos akong magshower, humiga na ko sa aking kama, pero dahil hindi pa ko dinadalaw ng antok kaya na-isipan kong mag-cellphone muna. Medyo na dismaya ako dahil wala pa ding text si Marci. Sa totoo lang, hindi ko na alam kung may gusto pa ba sa akin si Marci, medyo naguguluhan na din kasi ako sa mga ginagawa niya. Minsan, sobrang sweet minsan naman wala lang. Kung dati halos lagi-lagi kami mag-kausap pero ngayon parang madalang nalang, oo nagkikita kami minsan pero after nun parang wala na... Kaya sa ngayon natatakot ako, natatakot ako na tuluyang mahulog kay Marci pero bigla naman siyang mawala. Haaays... Sa sobrang bothered ko, di ko namalayang nakatulog na pala ako... 



Kinabukasan...


Nagising ako ng marinig ko ang pagkatok sa room namin. Tinignan ko muna kung dumating na si Bea, pero nakita kong hindi pa din naayos ang kanyang gamit. Nang muling makarinig ako ng katok ay bumangon na ako. Pagbukas ko ng pinto, nakita ko si Ate Aly...


Jho: Good morning Ate Aly 🙂 Ano po yun? 

Alyssa: Good morning Jho! sorry nagising kita... Gusto ko lang sabihin na sabay-sabay tayong mag-bbreakfast, nagdala kasi ng food si Bea 'e... Baba ka na ha...

Jho: Okay po Capt🙂



Pag pasok ko ng room, ay agad na kong dumiretso ng cr para gawin ang morning rituals ko... After ko gawin ang mga ito ay inayos ko na din ang gamit ko para sa aming training, para pag baba ko dadalhin ko na ito... Mahabang nag-aayos ng gamit ay nakita ko yung cellphone ko, chineck ko muna ito, bigla akong nalungkot dahil wala pang text si Marci, dati-rati kasi pagkagising ko may text na siya agad lagi... haaays, ano bang nangyayari kay Marci... Tinapos ko ng ayusin ang aking gamit at tuluyan ng bumaba...



 Pag baba ko ay nakita kong nakaupo na sa dinning table ang mga teammates ko... Nang makumpleto na kami, ay nagsimula na kaming kumain... Medyo tahimik pa kami habang kumakain... Pero biglang nabasag ang katahimikan ng biglang magsalita si Bea...



Bea: Ahmmm, Ria?



Lahat kami ay napatingin kay Bea... Nangmapansin niya ito ay bigla niyang tinuro si Ria na nakatulala lang... Hatalang may malalim na iniisip si Ria... Bigla ulit tinawag ni Bea si Ria...


Bea: Huy Ria! 😊

Ria: Ay cold! 


Halatang nagulat si Ria dahil medyo napatayo siya... Yung iba naming teammates ay hindi maiwasang matawa ng mahina... 


Ano Nga ba Ako Sa'yo? Where stories live. Discover now