Chapter 10

1K 30 1
                                    

---------------------- A/N ----------------------

Hahahahah o diba, naguluhan kayo kung sino magkakatabi, so eto na summary...

Mads and Gi

Deanna and Ria

Mich and Jia

Trey and Mae

Pong and Amy

Jamie and Kim

Aly and Den and Ella

---------------------- A/N ----------------------



Den: Ayun naman pala 'e... Go na Iyah... Dun ka na sa tabi ni....























Jho... :)




Hindi ineexpect ni Bea na si Jho yung magiging katabi niya. Hindi niya din maintindihan yung nararamdaman niya habang papalapit sa upuan nila ni Jho. Masaya siya kasi ito yung magiging unang beses na makakalapit sa kay Jho tapos ma-sosolo pa niya tas ito na din yung chance niyang magkaroon ng conversation kay Jho kung baga mas makilala niya si Jho. Medyo nahihiya din siya kasi nahuhuli siya ni Jho sa tuwing tinitignan niya ito. At kinakabahan siya kasi iniisip niya na baka hindi siya kausapin ni Jho o kaya magkanda utal-utal siya pag nakipag-usap niya.



Naputol ang malalim na pag-iisip niya ng biglang may kumausap sa kanya.


Maddie: Huy Bey! San ka pupunta?

Bea: Ha? Ah uupo na sana.

Maddie: Bey dun yung upuan niyo ni Jho, lumagpas ka na. *natatawang sinasabi ni Mads*

Bea: ay sorry, may iniisip lang...

Maddie: sus iniisip mo pa, makakatabi mo naman *pang-aasar ni Maddie kay Bea*

Bea: Shhhh! Mads! Marinig ka niya! Nahihiya nga ako sa kanya 'e *sabay yuko at pout*

Maddie: HAHAHAHAH wow Bea, first time ata to, isang Bea de Leon ang nahihiya sa isang rookie.. HAHAHAHa

Bea: Mads naman 'e, *parang batang nagmamaktol*

Ella: Hoy Bea at Maddie! Magkukwentuhan nalang ba kayo jan? tangkad *pertaining Bea* umupo ka na ng makaalis na tayo at gutom na ko!

Bea: so-sorry po...

Ano Nga ba Ako Sa'yo? Where stories live. Discover now