Chapter 11

1K 27 1
                                    

Chapter 11



Jho's POV



Bea: tsaka masanay ka na, kasi simula ngayon, aalagaan kita :)







Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko after sabihin ni Bea yun... Hindi ko alam kung kikiligin ba ako or mate-threathen...







For God's sake, may someone na ko ngayon! Yes, you read it right. I'm seeing someone right now. Hindi man kami, pero ganun din yuuuun... Well kasi ganto yan....



-flashback-


Kakatapos lang ng morning training ng maisipan kong mag-gala around katipunan. Syempre ayoko naman na wala akong alam sa paligid ng Ateneo diba. So nagdecide akong pumunta ng UP Diliman para maiba naman. Bumalik muna ako ng dorm para magpahinga muna, makapagpalit ng damit at para iwan muna yung gamit ko pang training, duuuh, kapagod kaya magtraining tsaka ang hassle kaya pag sobrang daming dala. Nang mga bandang 1:30pm, napagpsyahan kong umalis na. Bali ang dala ko lang phone ko at wallet ko. After ko magbihis nag paalam agad ako kay Ate Aly.



Jho: Ate Aly, papaalam po sana ako. *nahihiyang tanong*

Alyssa: O Jho, san lakad mo?

Jho: Balak ko po sanang mag-ikot-ikot sa UP saglit.

Alyssa: Sino kasama mo Jho?

Jho: Ako lang po ate.

Alyssa: Kaya mo ba? Hindi ka ba maliligaw?

Jho: Hindi naman po siguro, nakita ko naman sa internet na may mga taxi at jeep naman sa loob ng UP.

Alyssa: O sige, basta mag-iingat ka ha?

Jho: Opo Ate, magtetext nalang po ako. Thank you po. :)



After ko mag-paalam ay naglakad na ko palabas ng Ateneo. Naglakad ako hanggang sa may waiting sched para dun mag-intay ng jeep papuntang UP. Sa may UP Shopping Center ako bumaba. Balita ko kasi nasa loob ng shopping center yung Rodic's dun nalang ako kakain tutal 2pm na tapos hindi pa ko naglulunch kasi nga nakatulog ako kanina. Hindi daw kumpleto yung foodtrip mo dito sa UP kung hindi mo pa na-ttry sa Rodic's. So dun ako kumain. Pagpasok ko palang, nakakatakam yung amoy, grabe. Nag-order na ko ng kakainin ko, isang tapsilog, tutal ito daw yung pinaka-binabalik-balikan dito. Pagkabigay ng food, para akong nagutom agad kaya sinimulan ko ng kumain at sa unang tikim masasabi kong totoo ang sinasabi nilang masarap talaga dito. Grabe, feeling ko kulang itong inorder ko 'e. hahahaha. Pero dahil nga nag-search ako, dapat kahit papano makainan or mapuntahan ko ang mga yun, kaya tyaga muna sa isang order hahahaha. After ko kumain, pumunta na ko ng J.P. Laurel Street para dun naman mag-hanap ng pwedeng maging dessert. Habang naglalakad sa street na yun ay nakakita ako ng store ng mga shake, naisipan ko nay un nalang yung gagawin kong dessert. Pagkabili ko ng Strawberry shake, naglakad na ko papuntang UP Sunken Garden. Ganda ng trip ko diba, walktrip kahit medyo mainit-init pa. Medyo peaceful dito, may mga mangilan-ilang estudyanteng naglalakad, nag-jojogging at nakatambay lang din. After mga 30mins nang pagstay sa may UP Sunken Garden, naglakad na ko ulit papuntang sakayan ng jeep pa-lrt, sabi sa research ko para makapunta ng ADMU sakay ako ng jeep pa-lrt katipunan 'e hahahaha. 

Ano Nga ba Ako Sa'yo? Where stories live. Discover now