Chapter 6.

40.4K 1.1K 18
                                    

Hindi siya pumasok ng araw na iyon, bilang kabayaran sa night shift na pinasok nila ni Anne noong isang gabi. Noong isang gabi na halos ang daming nagyari sa buhay niya. Noong gabing kasama niya si superman. Ginanahan tuloy siya maglaba at magayos ng bahay nila ng araw na iyon. Hindi nga din niya alam kung bakit. Basta masaya siya.

Gabi na ng naisipan ni Shea tumambay ulit sa paborito niyang duyan. Doon masaya niyang dinuduyan ang sarili niya gamit ang paa at pakanta kanta pa.

"Apo ko!" lapit niya sa dalaga.

"Lola, bakit hindi pa kayo magpahinga?" Tumayo si Shea at inalalayan ang lola niyang maupo sa isang bakantang upuan sa harap niya.

"Alam mo bang maganda ang boses ng iyong ina? Lagi siyang nananalo sa mga patimpalak noon sa kanilang eskwelahan!" ngiti ng kaniyang lola.

Medyo nagulat si Shea. Ni minsan hindi na nagkwekwento ang lola niya about sa nanay niya. Ngayon lang ulit.

"Hindi na nakakapagtaka bakit maganda ang boses mo apo!" ngiti ulit ni lola.

Nakakatuwa naman, ibig sabihin nagmana ang maganda kong boses kay nanay. Humiga ulit ako sa duyan. Minsan ganito kami ni lola, naguusap ng kung ano ano lang. Pero masaya naman, kontento na kasi kami sa ganito. Basta lagi kami magkasama.

"Kailan nga ulit babalik iyong nobyo mo apo?"

"Naku lola naman, hindi ko po siya boyfreind. Hindi nga kami close ng lalaking iyon!" hindi close? Eh naghalikan na kami. Ano kaya iyon?

"Shea apo, kahit hindi mo sabihin sa akin. Nakikita ko sa mga mata mong gusto mo siya. Mukhang mabait naman na bata ang lalaking iyon. Marunong makisama sa mga tulad natin. Gusto ko siya para sa iyo apo!" deretsang sabi niya.

"Lola, natural marunong makisama si Kiel kasi doktor po siya. Sanay makihalubilo sa mga tao iyon. Isa pa po, kahit gusto ko po si Kiel, malabong magustuhan niya din ako. Alam niyo naman pong langit at lupa kami!" nalungkot ako bigla.

Tama nga si lola. Mukhang gusto ko na nga siya. Pero mali eh. Hindi dapat.

"Apo, kailan man hindi basehan ang estado ng buhay sa dalawang taong nagkakagustuhan. Mahirap iyon sa simula pero tandaan mo ito apo, hindi mahirap lusutan ang pagsubok lalo na kung hindi niyo bibitawan ang isa't isa!"

"Bitaw agad? Eh hindi naman po talaga kami lola. Wala po talaga kaming relasyon!" depensa ko.

Pero ang ganda ng sinabi ni lola. Kaya siguro hindi nagkatuluyan si nanay at tatay dahil dalawa silang bumitaw.

"Hindi iyan ang sinasabi ng mata ng lalaking iyon apo!" ngiti ni lola at tumayo na.

Hindi ko naintinidhan si lola. Pero tumayo na din ako saka inalalayan siya papasok ng bahay.














Abala ang coffee shop ngayong araw na ito. Biglang dumami kasi ang customers. Malamang holiday kasi. Nga naman Nov. 1 eh. Araw na ng mga patay ngayon pero hanggang ngayon hindi ko pa din nakikita ang bulto ni Kiel. Sigh! Namimiss ko na siya.

"Oh bakit nakikisali ata ang mukha mo sa fiesta ng mga patay? Namatayan ka din ba?" puna ni Kevin sa kaniya.

"Tagal ko na kasi siyang hindi nakikita!" yuko ko.

"Asus...kaya naman pala!" humarap si Kevin sa akin na nakapamaywang. "Hoy ikaw ha, tama na yung nahalikan mo si superman noh, huwag ka ng umasa na masusundan yun, masasaktan ka lang!" Saka humarap ulit ito sa counter at nakikipagngitian sa lahat ng mga customers na dumadaan.

Alam kasi nila ni Anne ang nangyari samin noong isang buwan. Oo inabot na ng isang buwan na hindi ko nakikita si Kiel. Minsan si Jerome lang ang madalas namin makita na umuorder ng kape niya. Ewan ko nga eh. Feeling ko tuloy iniiwasan niya ko. Baka nagsisi siyang hinalikan niya ko. O baka naman kasi hindi niya nagustuhan ang halik ko. Hayz! Kung ano ano tuloy naiisip ko.

The Doctor's Heart (Kiel Sebastian's Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon