Chapter 30.

29.8K 747 18
                                    

"Ano ba bitawan mo ko!" naamoy pa niya ang lalaking nakahawak sa kaniya sa likod. Amoy alak!

Pinilit niyang humarap sa lalaki.

"James?" panlalaki ng mata niya. Sabi ko na nga ba, hindi talaga mapapagkatiwalaan ang mukha ng lalaking to. "Bitawan mo ko ano ba!" pagpupumiglas ni Shea.

"Shhh Shea. I just can't help it. Pagbigyan mo na ako!" aktong hahalikan na niya si Shea ng masalag niya ang mukha nito.

"James stop it! Bastos!" sinampal niya ito ng malakas.

Pero hindi nagpatinag si James, hawak hawak pa din niya si Shea sa braso at pinpilit pa din siyang halikan.

"Ughhh bitawan mo ko!! Ano ba!!!" sigaw ni Shea.

Hindi niya alam bakit dumoble ata ang lakas ni James ngayon. Ng tingnan niya ulit ito sa mukha, talagang pulang pula pa din ang mata niya. Parang wala sa siya sarili. Para siyang isang hayop na hayok sa laman ng tao.

Nagsisisi tuloy siya bakit nagabang pa siya ng taxi malayo sa club na pinuntahan nila ni Jason.

Sa sobrang lakas ni James, naitalikod niya si Shea habang mahigpit ang hawak nito sa braso niya sa likod. Agad namang tinaas ni James ang suot na palda ni Shea.

"Sakloloooo!! Tama na James please!!!" mangiyak ngiyak na sigaw ni Shea.

Pero hindi siya pinapakinggan ng lalaki. Wari itong asong nauulol habang pinaghahalikan ang kaniyang buhok at batok.

Ilang segundo lang, naramdaman nalang ni Shea na wala ng nakahawak sa likod niya. Humarap siya at inayos ang damit niya habang yakap yakap ang sarili.

Nakita niya kung paano halos gulpihin ng isang lalaki si James. Kulang nalang talaga mapatay niya si James sa bugbog. Hanggang nawalan na ng malay ang huli.

The man glared at her as if he wants to eat her alive. Pinagpag ng lalaki suot niyang itim na damit at saka umalis sa harap niya.

"Ah t-thank you!" habol niya sa lalaki.

Pero hindi siya pinansin nito. Dere deretso lang ang lakad nito habang nagsisindi pa ng sigarilyo.

"Wait...anong pangalan mo?" pilit niya pa ding hinahabol ang lalaki. Ang bilis kasing maglakad nito. Kung hindi niya tanggapin ang thank you ko, kahit pangalan manlang niya malaman ko.

Pero hindi pa din siya inimik ng lalaki na patuloy pa din sa paglalakad. Hinihingal na si Shea kakalakad para lang mahabol ito. Ugh!

"Pipi ka ba?" nakakainis kasi. Mukhang tanga akong kakahabol sa isang to eh gusto ko lang naman magpasalamat.

Tumigil ang lalaki bigla at humarap sa kaniya. He looked at her from head to toe.

Shit! Ang pogi din pala nito sa malapitan. Idagdag mo pa ang buhok nitong medyo magulo at suot niyang simpleng tshirt lang na hapit sa katawan with rugged jeans. And bad ass tingnan pero bagay na bagay sa tindig ng katawan at mukha.

She gulped when he sees his eyes. Mukhang laging galit ang lalaking to sa mundo. May pinagdadaanan siguro. Sayang, gwapo pa naman.

"Why did you even bother yourself to freak out if you wanted to be rape?" he said.

Hindi naman pala pipi ang lalaking to. But wait...what did he just say? Nanlaki ang mata ni Shea.

Tanginang to! Mas bastos pa pala sa hayop na James na yun.

"Look I just wanna say thank you for helping me back there. And for your information, wala akong balak magparape dahil hindi ako cheap kagaya ng iniisp mo!" I hissed.

The Doctor's Heart (Kiel Sebastian's Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon