Chapter 39. - END

65.9K 1.4K 649
                                    

After 1 year.

"Maam fully book na po tayo ngayon!" si Jen, isa sa mga katiwala ni Shea sa resort.

"That's good to know Jen...thanks!" I rested by back on the chair.

6 months na nagooperate ang Iskaya Beach Resort ni Shea. She decided to make the resort public for people who wants to enjoy the place. Ang ganda naman kasi talaga ng isla. Kadalasan ng mga guests niya ay mga foreingers, couple or mga newly wed. Naeenjoy daw kasi nila ang privacy ng lugar.

Nandito siya ngayon dahil may inaasikaso p asiyang renovations sa ilang villa.

Binigay ni Kiel lahat ng pagaari niya sa pangalan ni Shea na nakasulat sa last will of testament niya. Sa dami ng negosyo ni Kiel, benenta niya ang iba dahil hindi niya kayang pamahalaan iyon isa isa. Pero may mga shares pa din naman siya doong iniwan. Kaya malaki pa rin ang parte niya sa mga negosyong nabitawan niya.

For 5 months, she was grieving over Kiel's death. Later did she find out na buntis na pala siya pero nakunan siya dahil sa sobrang stress na pinagdaanan niya noong nawala si Kiel. She had the hard time moving on, mas lalo siyang nawalan ng pagasang mabuhay ng malaman niya iyon. Pero hindi siya pinabayaan ng magulang niya. Tanya and Richard was there the whole time helping her get back on her feet. Nagkaayos na din sila ni Misa dahil sa pinagdaanan niya.

Misa Calling....

"Misa hey, you're back?" taka ko. Nasa Australia pa dapat siya ngayon sa para sa opening ng botique niya.

"Hi sis, yes I'm so back...nasa labas na nga ako ng Iskaya eh!" she laughed and drop the call.

Naku, hindi manlang nagpasabi ang babaeng to.
Lumabas ng opisina si Shea at hinanap ng mata niya si Misa.

"Sis...over here!" may kausap itong isang lalaki na nakaleather jacket, hindi ko naman tanaw kung sino dahil nakatalikod ito.

"Bakit hindi ka manlang nagsabi na papunta ka na dito, di sana napasundo kita kay Mang Bert!" ani ko.

"Ano ka ba...no need to worry sis, kaya nga hindi na ako nagpaalam sayo kasi ginamit namin yung yacht ni Dayne papunta dito. By the way sis, this is Dayne Williams, pinsan ko sa tuhod!" tumawa siya. "He likes to explore things kasi kaya sinama ko na dito. Dayne, this is my sister Shea Sebastian!" pagpapakilala niya sa dalawa.

"Hi...welcome to Iskaya. I'm sure you'll have a good time here Sir!" lahad ng kamay ni Shea sa lalaki.

Humarap ang lalaki sa kaniya.

Siya? Ugh! Seriously, of all places!

"Well i think i would love it here!" he smirk. Hindi na niya tinanggap ang kamay ni Shea dahil huli na at naibaba na ito ni Shea ng makita siya.

Whatever!

"Uhm...Misa feel free, babalik na muna ako sa office ko, may tatapusin pa kasi ako!" sabi ko.

"Alright sis...later!" humalik pa ito sa pisngi niya.








Sa makalawa pa matatapos ang binubuo naming bagong villa sa kabila. Kaya napagdesisyunan ko munang manatili dito sa Iskaya. Andito na din naman si Misa, so hindi ako masyadong mabobored.

"Maam!" pasok ni Jolo sa office ko bandang alas nuwebe na.

"Oh Jolo bakit?"

"Yung guest po natin sa villa 8 nagrereklamo po doon sa tubig. Wala daw hot water!"

"Inayos na ni Arman iyon kahapon ah?" taka ko.

"Opo maam. Hindi ko naman po matawagan si Arman kasi nakaoff duty na po siya ngayon!"

Hayz! Pag minamalas naman. Ang dami pa naman nilang guests ngayon.

"Sige na Jolo, ako nalang kakausap sa guest na iyon!"

Pinuntanhan ko ang Villa 8. Lahat ng mga guests ko na gusto ng privacy ay nagrerenta ng isang villa para sa mga sarili nila. May hotel din naman sa lugar na ito kung saan nagsstay ang mga taong gusto lang eenjoy ang lugar. Tama na sa kanilang may matutulugan lang sila.

Kumatok ako pagkarating sa villa 8. Wala naman sumasagot. Kaya pumasok nalang ako. Lahat ng villa may sariling inifinity pool. Ganoon ko talaga pinadesign ang bawat bahay na ito.

Napansin ko naman ang nakabukas na sliding door sa may balcony kaya ako lumapit doon. May nakita akong lalaking naliligo sa pool. Lumapit ako sa gilid niyon at saktong nagangat ang mukha nito mula sa tubig.

Siya na naman? Ugh!

"Are you the one to give me massage?" the guy rested his two arms on the side of the pool.

Mukha ba akong masahista?

"Sira daw yung hot water mo sa banyo?" I asked without answering his question.

"It's working fine now!" he answered.

Ugh! Ang arte kasi, hindi manlang tiningnan ng maayos. I turned my back ng biglang nadulas ako at parang nagslow mo pa akong bumagsak sa tubig.

"Shit!" Ugh!

Kapit ko agad sa gilid ng pool. Hindi pa naman ako marunong lumangoy. Nabulunan pa ako sa tubig na nainom ko mula roon. Narinig lang ni Shea na tumatawa ang lalaki sa kaniya.

Inis naman akong umahon sa tubig ng dumulas na naman ang kamay ko sa gilid nun at nahulog ulit ako sa pool.

Tangina! Buti nalang hindi malalim ang binagsakan ko.

"Tsk...may balat ka siguro sa pwet kaya ang malas mo!"

I glared at him. Ewan ko pero imbis mainis ako, nagulat ako sa mukha niyang nakatawa. Ang pogi pala nito pag nakangiti.

"Baka ikaw, nahawaan mo lang ako!" talikod ko sa kaniya.

Lumangoy ang lalaki papunta sa kaniya ng hindi niya namamalayan. Naramdaman ni Shea ang biglaang pagangat ng katawan niya mula sa pool. Binuhat na pala siya ng lalaki sabay upo niya sa gilid.

Daynes hands are resting beside her body. Ang katawan nito nakadikit pa din sa mga tuhod niya. She gulped. Bigla namang naasiwa si Shea.

"I really don't know why you are so clumsy everytime I see you Mrs. Sebastian." Tumingkayad ito para mapalapit sa mukha niya. "Do I really affect you that much?" He smirk.

Gezz! His eyes are beautiful. Ang lakas talaga ang dating mukha nitong bad boy tingnan. At ang bango ng hininga.

Without a word Shea pushed him to the water kaya bumagsak ang katawan ni Dayne doon.

"Stop assuming Mr. Williams!" feeling lang ng gagong to.

I walk my self out of his place. Narinig ko pa ang tawa ng lalaking iyon habang papalabas ako ng villa niya.

Ang kapal talaga ng mukha! Ugh!


END----





There are no happy endings, just contentment in life!

The Doctor's Heart (Kiel Sebastian's Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon