Chapter 33.

28.6K 736 21
                                    

Dalawang buwan ang lumipas. Walang oras na pinalampas si Shea para hindi tawagan si Kiel. Ilang messages na din ang napadala nito sa kaniya pero wala pa ding reply ang asawa niya.

Tangina! Gigil na tapon niya sa table ng phone niya.

"Girl hindi ganyan ang pagtapon ng cellphone!" kinuha ni Jason ang cellphone niya at aktong ibabato na sa dagat ng awatin siya ni Shea. Nilapag niya ulit sa mesa ang phone nito. "Kung galit ka sa cellphone na yan kasi, itapon mo nalang...easy pa divah!"

Nasa isang restaurant sila ngayon, malapit sa dagat. Inaya niya si Jason na magdinner dahil nasisisraan na siya ng ulo magisa sa bahay niya. Nalungkot ulit si Shea habang iniikot ikot ang daliri sa basong hawak niya.

"Shea girl, baka naman kasi talagang busy lang si Kiel sa Vegas ngayon kaya hindi ka niya matawagan!" puna ni Jason sa kalungkutan nito.

"For two months Jason? Hindi ba niya alam na nagaalala na ako. Sana inisip manlang niya na may naiwan siyang asawa dito sa pilipinas!" she sighed.

"Baka naman kasi, nanakaw ang cellphone niya o di kaya nabura yung number mo sa phone niya di ba. Posible namang mangyari yun!"

"He has so many ways to find out my number Jason. Kilala ko ang lalaking iyon!"

Naawa na din si Jason sa kaibigan niya. Napapabayaan na din kasi nito ang sarili niya. Halos hindi na makakaain ng maayos dahil sa pagaalala sa magaling niyang asawa.

"Eh baka naman girl, nagkamnesia na siya. Nakalimutang may asawa pala siya. Alam mo yun. Uso sa mga movie yun eh!"

"That's not helping Jason!" I hissed.

"Ay sus...bakit di mo kaya sundan siya sa Vegas noh? Ng matapos na yang pagiinarte mo!" irap ni Jason.

Sundan sa Vegas? Oo nga pala...bakit nga ba hindi? After all asawa naman niya ako.

"I guess I will....!" Napangiti ako.

May sense din pala kausap ang baklang to paminsan minsan.

Umalis si Jason at nagpaalam na magbabanyo muna. Habang ako ito iniisip ngayon ang pagpunta sa Las Vegas, I'll difinitely go for that idea. Bukas makalawa, magpapabook na ako ng flight papunta doon. Magkikita na din kami ni Kiel sa wakas. Isusurprise ko nalang siya. Napangiti na naman ulit ako sa isipang iyon.

"Shea...!"

"Oh anong problema mo? Mukha kang hinahabol ng aswang ah. May zombie ba sa cr or may nakita ka namang pogi noh?" natawa siya sa itsura nitong hinihingal pa.

She looked at Jason's back. Napakurap kurap pa siya. Shit! Is it him I'm seeing right now? Hinarang ni Jason ang ulo niya on purpose para hindi makita ni Shea ang nasa likod niya. 

"Ah girl, tara na, medyo sumama ang timpla ng tiyan ko eh!" palusot ni Jason.

Natatakot siya para sa kaibigan sa nakita nito.

Pero umabante lang si Shea at tinabig ang katawan ni Jason para makumpirma ng mga mata niya ang kaniyang nakikita.

It's him. It's so fucking him!

And he's with....a girl? At sino ang babaeng to?  Masaya pang nagtatawanan ang dalawa habang sinusubuan naman ng babae si Kiel ng pagkain.

Bigla namang kumulo ang dugo ni Shea sa nakita. Mabilis niyang kinuha ang bag niya at pinuntahan ang table ng dalawa. Nakasunod lang si Jason sa kaibigan.

"Hi!" simpleng bati ni Shea sa dalawa in a very calm manner. Kumkalma pa siya sa lagay na yan ha. In her mind, she's been killing the girl already.

The Doctor's Heart (Kiel Sebastian's Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon