0
Naniniwala ka ba sa himala?
Ang pinakamahirap sa lahat ay ang maghintay sa isang bagay na di mo alam kung mangyayari. Nakakatakot. Kapag lumaon, nakakapagod.
Tama bang umasa na lang sa isang himala?
Alam kong malabo matupad ang hiling ko. Alam ko rin na mas matinding sakit lang ang naghihintay sa akin. Sa atin. Mali na mahalin kita. Mali na mahalin mo rin ako. Ngunit anong magagawa natin? Pareha tayong nahulog sa isa’t-isa.
Sinubukan naman nating pigilin di ba?
Alam ko at alam mo na noong umpisa pa lang, hindi na maaring maging tayo.
Dahil umpisa pa lang, alam natin na mawawala ka rin sa buhay ko.

BINABASA MO ANG
Invisible (Tagalog)
FantasyIsang hiwaga ang bumabalot sa katauhan ng mahal mo. Kaya mo bang manatili sa tabi nya kahit na buhay mo na ang nasa linya? Hanggang saan ka kayang dalhin ng pag-ibig mo?