HINDI MAARI
Ang bilis ng mga kamay nya.
Isang kumpas, isang pitik, at biglang nawala ang baraha.
Mahika.
Nagpalakpakan ang mga tao ng biglang dinukot nya ang barahang may pirma mula sa bulsa ng isang turistang lalaki na nasa likod nya. Sabay ng pag-angat nya ng baraha at paglapit sa mga taong nais kumilatis nito, ang kabilang kamay nya ay nadikit sa bulsa ng isang turistang may bag.
Mabilis. Walang palya.
Walang nakakita sa kanyang ginawa.
Manghang-mangha ang mga nanonood, tuwang-tuwa lalo na iyong mga babae. Hindi lang kasi makisig yung street magician, mapusok pa. Kanina pa niya kinikindatan iyong mga babae na halos lumuwa na iyong mga naglalakihang dibdib sa suot nilang mga telang ewan.
Oo. Hindi matatawag na damit iyon. Tela lang talaga. Tela.
"Amazing! Where did that card come from?" hiyaw ng lalaking turista. Kinapa nya ang kanyang bulsa na tila ba may sikreto ito na di nya alam.
"Show us again! One more time!"
Natatawa lang ako habang isa-isa kong dinidikitan ang mga turista. Alam ko kung ano ang totoong nangyari. Sa dami ng tao na nanonood sa kanya, ako lang ang hindi nya maaring maloko.
Bakit?
Kasi, partner nya ako.
Isang kumpas, isang pitik, may lumitaw na rosas sa kanyang palad at iniabot nya ito sa isang babaeng kulay tsokolate ang buhok. Namula ang babae bago ngumiti sa street magician.
"A pretty flower for a pretty lady," aniya ng makisig na lalaki.
"Bilisan mo, Pao," bulong ko nang naaninag ko ang naka-unipormeng nagpapatrol sa kabilang kanto. Nandito na ako sa likod nya, nakaikot na, patagong binabalaan ang aking partner na naka puting tuxedo. Dahil sa gabi na, sentro sya ng atensyon. Gwapo na, nakakatawag pansin pa. Papansin naman kasi siya talaga. Masyado mahilig magpakitang gilas.
"What? I'm awesome? I know I am," tawa nito na kunwari iba ang sinabi ko. Sinipa ko sya sa binti. Mayabang dahil alam nya na may dapat syang ipagyabang. "What now, you want a kiss?"
Nagtilian yung mga babae sa harap nya. Ang laki ng ulo ng lalaking ito.
"Pao!" inis kong sabi.
Liningon ako ng bahagya ni Paolo at kitang-kita ko ang malaki nyang ngisi. "Sandali na lang."
"May pulis na."
Ang bilis naman, sumimangot ako ng nabasa ko ang isip nya. Oras na ba para magpaalam sa mga boobs na ito? Umaalog-alog pa naman. Pero syempre, hindi tulad ng hinaharap ng Maggie ko. The best yung sa kanya. Ha ha. Ang gago ko talaga.
Lahat ng dugo ko napunta sa ulo. Kahit kailan ang dumi ng isip ni Paolo. Nakakainis.
"Bahala ka." Nakakadiri ka, Pao. Alam mo iyon? "Kapag nahuli ka, walang laglagan."
Hindi pa ako nakakadalawang hakbang, narinig ko na ang malakas na pito at mga gulat na sigaw ng mga tao.
"Tigil!"

BINABASA MO ANG
Invisible (Tagalog)
FantasíaIsang hiwaga ang bumabalot sa katauhan ng mahal mo. Kaya mo bang manatili sa tabi nya kahit na buhay mo na ang nasa linya? Hanggang saan ka kayang dalhin ng pag-ibig mo?