2 | Ang Unang Tagpo

398 21 7
                                    

ANG UNANG TAGPO

Bitiwan nyo ako mga hampas lupa kayo! Babayaran ko naman ang utang ko!

Nakaramdam ako ng kakaibang init na unti-unting gumagapang sa aking buong katawan. Init na parang haplos ng araw sa tanghaling tapat. Init na nakakapaso. Nakakasilaw.

Ano ba? Pakawalan nyo nga ako! Sabing bitiwan nyo ako! Magbabayad ako! Bigyan nyo ako ng isang linggo. Pangako! Mababayaran ko na kayo!

Kahit na alam kong nakapikit ang aking mga mata, may naaaninag akong galaw at mga hugis mula sa aking mga talukap. May mukhang lukot sa sakit at takot, may mga lalaki na tuwang-tuwang sa pagsipa sa isang binata na nakatali at nakaluhod sa batuhan.

Nakita ko na ang isa sa mga lalaki ay may hawak na matabang sanga ng puno, at mabilis nya itong inihampas sa ulo ng lalaking nakagapos.

Twak! 

Bumagsak ang duguang lalaki ng walang malay, at napansin ko ang mababaw nitong paghinga. Sinubukan ko syang abutin, pero buhay pa ang lalaki. Matindi pa ang kapit ng kanyang ispiritu sa kanyang katawang mortal.

"Pare, napatay mo ata."

"Tangina! Lagot ako kay boss nito."

"Hayaan nyo na. Ibenta na lang natin iyong mga kapatid nya."

"Iracket na lang natin na manlimos dun sa bagong gawang mall sa bayan."

"Yung katawan, tol. Paano na?"

"Tanga ka ba, Dado? Nasa gubat tayo. Walang makakakita sa katawan nyan."

"Mas tanga ka ba pare? Eh kung mangamoy? May mapadaan? Tabunan natin ng lupa para mas tago."

"Bwisit!"

"Kasalanan mo to tol. Panindigan mo."

"Sibat na tayo."

Humakbang na sila papalayo sa nakagapos na binata.

"May babae ba syang kapatid, pare?"

Wag! ungol ng duguang lalaki, ngunit hindi na sya makapagsalita. Hindi na sya makagalaw. Tanging ako lang ang nakakarinig sa kanya. Wag! Mga kapatid ko! Wag nyong sasaktan sila! Ako na lang! Ako lang! Wag nyo na idamay sila!

Nakaramdam ako ng takot, pero ang takot na ito ay hindi sa akin. 

Takot ito ng lalaking nakagapos. Bawat hugot nya ng hangin, nararamdaman ko ang sakit na kanyang iniinda. Ngunit kahit na nanghihina na sya, lumalaban pa rin sya. 

Hindi ako maaring mamatay . . . hindi pwede . . . 

Takot. Napakatinding takot ang bumalot sa buong pagkatao nya. Hindi dahil sa ayaw nyang mamatay.

Natatakot sya para sa mga batang kanyang inaalagaan.

Natatakot sya para sa mga batang itinuturing nyang mga kapatid.

Hindi ako . . . h i n d i . . . 

Ang hina ng tibok ng kanyang puso. 

Unti unti kong iminulat ang aking mga mata at pinagmasdan ang aking bagong kapaligiran.

Liwanag.

Bughaw na langit.

Puting ulap.

Malinis na tubig at mahalimuyak na hangin.

Lupa.

Bumangon ako mula sa malamig na ilog at dahan-dahang lumangoy patungo sa pinagmumulan ng mahinang paghinga. Halos madurog ang puso ko sa nakita kong katawan ng lalaking mortal.

Gamit ang aking nanginginig na mga kamay, marahan ko syang hinila pabalik sa ilog.

"Matulog ka," mahinahon kong bulong nang makarating na kami sa pampang. Nagpumiglas sya ng kaunti ng maramdaman nya ang malamig na tubig. "Matulog ka na."

"Uggh . . . "

"Sshhh." Hinaplos ko ang kanyang mukha. Tila hinahanap nya ang palad ko. "Tulog na."

At unti unti ko syang hinila pababa, sa mundo kung saan hindi na sya gigising pa.

###

Pasensya maikli. 

So, whatcha think? Pasensya na kung medyo bayolente ang istorya. Medyo bayolente rin kasi si Manunulat kaya ayun. Pagpasensyahan. ;)

Ito ay nangyari ilang buwan bago ung naunang chapter. Ang weird ba ng istorya?

Invisible (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon